8.05.2012

Slapshock in Cabanatuan City.

Dahil mag-ce celebrate ng 14th year anniversary ang Mega Center, pupunta dun ang Slapshock para tumugtog. Isa ang Slapshock sa pinaka-magaling na banda dito sa Pinas kaya naman nung nalaman ko nung mismong araw ng July 31 na pupunta sila dito, hindi na ko nag-dalawang isip magpunta. Kasama ko si Jorenn. Kahit na alam naming late pupunta ang Slapshock kahit na 3PM ang nakalagay sa poster, 3PM pa din kami pumunta dun. Kahit umuulan.
May tatlong banda kasi na tutugtog bago yung Slapshock. Una yung Rippin Monkeys. Nakikita niyo ba yung babae sa loob ng bilog sa baba? Nanay siya nung guitarist at lead vocals nung banda. At habang kumakanta sila, kumakanta din siya! Tumatalon talon pa. At metal ang genre ng Rippin, mind you! Grabe. Ang lupet talaga! Halatang sobrang proud niya sa mga anak niya at proud din yung mga anak niya dahil todo bati sa kanya. Lupet!

 

Sumunod na tumugtog yung Triangulo. No comment. Sumunod ang Light of Luna. Sa mga taga-subaybay ng Pinoy Rock music scene, sigurado akong narinig niyo na sila. Sila lang naman ang three-man band na nanalo sa Red Horse Muziklaban na TIGA-CABANATUAN. Nakaka-proud di ba? Iba talaga ang mga banda dito satin!
Tapos after nun, siguro mga bandang 8:30pm na, tsaka palang tutugtog ang Slapshock. Ayos kasi hindi na umuulan. Nung lumabas sila, as usual yung adrenaline ko sobrang taas na. Kaya naman nung kumanta na sila, at nag-slam-man na kami. Nag-tatalon kami, nakisabay sa kanta.

Photo by Ser Micah. Hi Ser! =))
Tapos may isa pa nga pinaalis ni Jamir (vocalist) kasi may ginagawang kagaguhan. Ayaw daw niya yon kasi gusto niya eh peace, music, and love. Astig. Tapos nung sabi nila kakantahin na nila yung "Adios", akala namin last song na nila yun dahil, duh, adios di ba? Kaya nung tapos na yung kanta at pagod na kaming kaka-talon at kaka-kanta, umalis na kami ni Jorenn para umuwi. Mediyo malungkot ako kasi hindi tinugtog yung Carino Brutal. Tapos nung sasakay na kami biglang... PUTANGINA KAKANTAHIN PALA NILA!!! Balik kami agad ni Jorenn tapos talagang todo bigay na ko sa pagkanta, sa pagtalon. Yung katabi kong lalake eh weird na weird na sakin. Hahaha!
Mga bandang 9:30pm na kami nakauwi. Sobrang pagod sa pagtayo mula 3PM, sa pagkanta, at sa pag-slam! Pero tangina, sobrang worth it naman! Lupet! Slapshock sobrang lupet! Mabuhay ang musikang Pilipino! Rakenrol!

No comments:

Post a Comment