Madalas na kong ma-degrade sa buhay ko. Madalas na kong masabihan ng mga bagay na ayaw marinig ng tenga. Pango ang ilong, maliit, mataba... lahat ng yon tinatawanan ko lang. Pero nung tumanda na ko, iba na ang sinasabi ng mga tao. Mas masakit kasi may isip na ko.
Madalas ako makarinig,"Ay yan? Maaga mag-aasawa yan." Bakit? Dahil may boyfriend ako? "Yan? Di na virgin yan." Bakit? Dahil may boyfriend ako? "Di makakatapos ng college yan." Bakit? Dahil may boyfriend ako?
Dati tinatawanan ko lang yan. Pero kapag nakakadami na, parang sa loob-loob ko,"Aba teka. Ano ba problema?"
Nagpapa-pirma ako ng excuse letter sa guidance counselor sa NEUST non, wala si Ma'am Medrano kaya iba ang pumirma. Di ko na sasabihin kung sino para tahimik tayo.
Ang nakalagay sa excuse letter ko, sumakit puson ko at hinatid ako ni Jorenn. Sabi niya di daw niya pipirmahan kasi hindi daw valid yung reason. Ok. Fine. Walang problema. Kaya lang may sumunod pang sinabi. Dun sumakit tenga ko.
Bakit daw ba ko naglambing lambing kay Jorenn at inaya ko pa daw siyang ihatid ako. Alam ko naman daw na buwan-buwan sumasakit puson ko bakit pumasok pa ko. Ok fine. Wag pansinin. Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa. Di naman totoo yung sinasabi niya eh. Di mo na lang pinapansin para pag-galang sa nakakatanda. Pero nag-pantig yung tenga ko dun sa sumundod.
"Swerte niyo kapag umabot kayo ng third year."
Tangina. Gusto kong sumigaw ng,"Tangina. Nakakasakit na kayo ah." Kailan pa naging husgaan kung makakatapos ka ng pag-aaral dahil lang may boyfriend ka? Kailan pa naging husgaan ang maagang pakikipag-relasyon kung saan ka makakakarating sa buhay?
Ganyan na ba kakitid ang mga utak ng tao ngayon? Ganyan na ba mapanghusga ang mga tao? Kailan pa naging husgaan ng isang tao kung saan ang mararating niya sa buhay dahil lang pumasok siya sa isang relasyon sa edad na labing pito?
Kaya payo ko sa mga gustong makipag-relasyon, kailangan matapang ka. Kapag mahina ka, wala kang laban sa mga taong mapang-mata at kailangan bingi ka sa mga salitang mapanghusga.

No comments:
Post a Comment