8.08.2012

Sarap sa puso. ♥

This post is meant to thank the people (within this post) and to share my blessings. And also to thank the Lord above. Baka kasi may masabi yung iba. Alam na. Hahahaha. Ang mga tao nga naman. XD
Siguro kapag nag-bi birthday tayo, ang pinaka-paborito nating part ay ang mga regalo. Aminin mo. Hahahaha. Kahit gano ka pa katanda, kinikilig pa din yung pwet mo kapag nakakatanggap ka ng regalo, surprise man o hindi. Nakapaloob sa post na `to ang mga regalong natanggap ko sa birthday ko. Let's celebrate together, cheers!
Ang unang regalong natanggap ko ay ang tumataginting na laptop mula sa tito ko. Sabi ko nga sa isang post ko, matagal na kong tumigil umasa na magkakaron ako nito. Pero a week bago ang birthday ko, pinatawag ako ni Mama (kapatid ni Daddy). Tinanong ako kung ilang taon na ko sa birthday ko, sabi ko 18 na ko. Tinanong niya ko kung gusto ko daw ba magpa-party. Kung kilala niyo ko, malamang alam niyong ayaw ko. HAHAHAHAHA. Kaya sabi niya, laptop na lang daw pag-uwi ni Papa. Pero sabi niya kung sakaling hindi makabili si Papa, sa December daw. Kaya hindi talaga ako umasa na magkakaron ako ngayong August. Thank you Papa and Mama and family! Sigurado akong tuwang-tuwa si Daddy. I love you po.


Nung mismong birthday ko, binigyan ako ng pinsan ko ng bag and top. Thank you Ate Alea! I love you so much! <3
Dumating na din yung package ko from Zalora kahapon, sayang nga kasi di pa umabot sa birthday ko. Haha! Ihihiwalay ko na lang ng ibang post.
Thank you Lord for the blessings!

No comments:

Post a Comment