8.22.2012

Tigilan na

As usual, sa umpisa lang magaling at sa susunod, ayaw na. HAHAHAHA Tinamad na ko mag-lagay ng ads at mag-post ng book reviews.. Ano ang dahilan? Eto:
  • Na-disable yung account ko. HAHAHAHA Tangina kase. Hindi ko alam na naka-log in (ata?) ako sa phone tapos napindot ko yung ads don! Agad-agad na nag-pm yung AdSense (kagaling pucha) na lumabag daw ako sa policies chu chu anyamet
  • Nakakatamad na kapag minsan binawal ka. Di ba? Siguro next time na lang ako reresbak kapag graduate na ko ng pag-aaral tapos mag-aasawa ako tapos tambay na lang ako sa bahay kasi si Jorenn na mag ta trabaho HAHAHAHAHA joke lang! Basta next time
  • Nakakatamad lang talaga
  • Mag-focus na lang ako sa ibang goals ko for this year. Clearly, hindi kasali ang itatag ang book review blog ko ang isa don
  • Ang boring mag English sa totoo lang. Hindi ko keri maging babae. Hirap na hirap ako pramis. Mas masarap mag blog kapag yung lenggwahe mo yung gamit mo.
  • Ang hirap ng may obligasyon. De totoo lang. Kahirap ba.  Ayoko ng ganon. Yung araw-araw kailangan may gawin ka sa buhay mo? Di ko kaya. Yun nga lang papasok sa araw-araw hirap na hirap ako, tapos may dagdag pa
  • Minsan mahirap sumungkit ng inspirasyon. Sa totoo lang
  • Basta sa isang taon na lang! HAHAHAHA Yun na lang yung gagawin kong goals next year howkayyy? =))))

8.20.2012

Bakit? Dahil may boyfriend ako?

Madalas na kong ma-degrade sa buhay ko. Madalas na kong masabihan ng mga bagay na ayaw marinig ng tenga. Pango ang ilong, maliit, mataba... lahat ng yon tinatawanan ko lang. Pero nung tumanda na ko, iba na ang sinasabi ng mga tao. Mas masakit kasi may isip na ko.
Madalas ako makarinig,"Ay yan? Maaga mag-aasawa yan." Bakit? Dahil may boyfriend ako? "Yan? Di na virgin yan." Bakit? Dahil may boyfriend ako? "Di makakatapos ng college yan." Bakit? Dahil may boyfriend ako?
Dati tinatawanan ko lang yan. Pero kapag nakakadami na, parang sa loob-loob ko,"Aba teka. Ano ba problema?"
Nagpapa-pirma ako ng excuse letter sa guidance counselor sa NEUST non, wala si Ma'am Medrano kaya iba ang pumirma. Di ko na sasabihin kung sino para tahimik tayo.
Ang nakalagay sa excuse letter ko, sumakit puson ko at hinatid ako ni Jorenn. Sabi niya di daw niya pipirmahan kasi hindi daw valid yung reason. Ok. Fine. Walang problema. Kaya lang may sumunod pang sinabi. Dun sumakit tenga ko.
Bakit daw ba ko naglambing lambing kay Jorenn at inaya ko pa daw siyang ihatid ako. Alam ko naman daw na buwan-buwan sumasakit puson ko bakit pumasok pa ko. Ok fine. Wag pansinin. Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa. Di naman totoo yung sinasabi niya eh. Di mo na lang pinapansin para pag-galang sa nakakatanda. Pero nag-pantig yung tenga ko dun sa sumundod.
"Swerte niyo kapag umabot kayo ng third year."
Tangina. Gusto kong sumigaw ng,"Tangina. Nakakasakit na kayo ah." Kailan pa naging husgaan kung makakatapos ka ng pag-aaral dahil lang may boyfriend ka? Kailan pa naging husgaan ang maagang pakikipag-relasyon kung saan ka makakakarating sa buhay?
Ganyan na ba kakitid ang mga utak ng tao ngayon? Ganyan na ba mapanghusga ang mga tao? Kailan pa naging husgaan ng isang tao kung saan ang mararating niya sa buhay dahil lang pumasok siya sa isang relasyon sa edad na labing pito?
Kaya payo ko sa mga gustong makipag-relasyon, kailangan matapang ka. Kapag mahina ka, wala kang laban sa mga taong mapang-mata at kailangan bingi ka sa mga salitang mapanghusga.

Mga muni-muni sa madaling araw. Part 2

Bakit ba tayo nag-bo boyfriend o nag-gi girlfriend? Maraming dahilan. Merong may sense, meron din naman wala. Sa palagay ko, eto ang mga dahilan kung bakit nag-hahanap tayo ng ka-relasyon.
  • Naghahanap tayo ng kasama sa buhay (kung malungkot ka)
  • Bagot ka lang sa buhay mo dahil feeling mo gwapo ka, kahit hindi mo mahal mapapasagot mo
  • Trip mo lang kasi nga gwapo ka
  • Tinamaan ka ni Kupido
  • Para may kasama ka sa school/work
  • Para may sexual life ka
  • Para masaya ang buhay
  • Para may lovelife ka na ipagmamayabang
  • Para may tutulong sayo kapag may kailangan ka.
  • And so on and so forth...
Dun tayo sa mga may "sense". Naghahanap tayo ng katuwang sa buhay. Nang magpapaligaya satin, magpapasaya satin, magbibigay kulay ng mundo natin, magbibigay ng meaning sa mundo natin, magtatasa sa pointless nating buhay, tutulong satin kapag kailangan natin ng tuloy, para may masandalan tayo kapag hindi na natin kaya.
So bakit ko nga ba napag-trip-an sabihin ang mga to? Dahil minsan sa buhay ko, yung isang taong kinailangan ko iniwan ako sa ere. Masakit yun pre. Sobra. Kasi yung isang taong ine-expect mo na gagabay sa'yo (lalo na kapag siya lang ang kakilala mo sa room na yon), iniwan ka na lang bigla sa ere. Syempre magagalit ako. O kahit hindi na nga galit, tampo na lang. Imbis na mag-sorry siya, siya pa nagalit sakin. Masakit ulit. Tangina. Gustong-gusto ko na malusaw sa inuupan ko eh. Sabi ko parang mali yata yunug pinasukan ko. Bakit mali yata yung taong kasama ko?
Nagtuturo yung teacher ko, ayos na ayos sa ginagawa niya. Yung mga kaklase ko iniisip na sana mag-uwian na. Yung iba nakikinig. Ako? Nung panahon na yon gusto kong umiyak. Pero sabi ko sarili ko, hindi ako iiyak. Ang babaw naman ng dahilan kung iiiyak ako.
Kaya lang napahinto ako. Mababaw nga ba ang dahilan ko?
Sabi nila kahit sino pwede pumasok sa isang relasyon. Pero base sa sariling obserbasyon ko? Pumasok ka lang sa isang relasyon kapag matapang ka na. Wag kang maniwala sa sinasabi ng iba. Kasi kahit mahal niyo ang isa't isa di pa din maiiwasan na magkasakitan.

Mga muni-muni sa madaling araw. Part 1

Bakit ba tayo nagpapamigay ng cellphone number natin? Siguro maraming dahilan hano. Tingnan natin kung bakit nga ba. Pwedeng a.) pamilya b.) kamag-anak c.) kaibigan o ka-close at pwede ding dahil d.) obligado
Yung pamilya at kamag-anak, talagang gven na yun eh noh? Kailangan nating sabihin yung number natin sa kanila para kapag may emergency, naaabot nila tayo. Yung mga kaibigan, syempre hindi naman natin talaga pwedeng kalimutan kunin at ibigay ang number ng isa't isa. Paano tayo magkakamustahan at magbabatian twing birthday di ba? Di ko nilagay yung dahil kaklase dahil yung mga kaibigan mo lang naman na kaklase mo ang tinetext mo. Huling choice natin eh "obligado". Ano nga ba yon? Syempre unang-una na rason ay dahil may kailangan ka sa kanya.
Ngayon eto ang nagbabagang tanong, kung wala ka namang kailangan sa kanya at hindi mo naman ka-pamilya (o ka-puso), kamag-anak o kaibigan, bakit ka magibibgay ng cellphone number sa iba?
Siguro naman walang gagong nagpapamigay ng cellphone number sa opposite sex lalo na kapag may nobya ka di ba? Sinong siraulo ang mamimigay ng cellphone number sa opposite sex kung wala ka namang kailangan?
Tinanong kita, sabi mo sampong tao lang pinagbigyan mo. Tiningnan lang kita. Inulit mo yung sagot mo, sabi mo sa kamag-anak mo lang. Pero di ka bumingo. Mali pa din sagot mo eh. Di mo kasi alam nakita ko na ang inbox mo.
Yung mga lalake kasi, masyadong minamaliit yung mga babae noh? Kung wala kang ibang motibo, hindi mo na dapat kailangan magsinungaling kasi nga, wala ka namang masamang ginagawa. Nagtataka kayo kung bakit namin pinapahaba ang mga ganitong usapin, pero hindi niyo alam na kahit hindi kami nagseselos at alam naming walang malisya, mali pa din yung ginagawa niyo.
Sa twing mag-aaway tayo, gustong gusto kita murahin. Gustong gusto kitang sigawan. Gustong gusto kitang awayin ng harapan. Pero alam mo kung bakit hindi ko magawa? Kasi kahit nasasaktan na ko, ayoko pa ding masaktan kita sa mga sasabhin ko.
Kung magsisinungaling ka galingan mo. Hindi yug huling-huli ka na, tinatanggi mo pa. Sa susunod huhusayan mo kase, para di ka nahuhule.

8.16.2012

Officially, a blogger!

After a year of waiting to be 18, I'm now finally a blogger! Yep, a person who blogs and get paid! I'm so proud of myself for passing Google Ads. And sobrang nakaka-proud na may nakikita kang live ads sa blog mo! Yipeeeeeeeeee!
If you're wondering what blog is that, this one: notreallybookreviews.blogspot.com. It was originally in my Wordpress blog pero hindi ko gamay ang WP. Sorry. -__-
Hindi naman ako nag-fi feeler "book reviewer". Nakalagay naman sa description ng blog ko. Pero sabi ko nga, kapag nagbigay ka ng opinyon mo sa isang bagay, parang review na din yon. Pasensya na sa English carabao ko at hindi naman ako magaling sa English. Nyahahaha
Ulit, please visit my book review blog. It's notreallybookreviews.blogspot.com! At kung pwede, please click the ads too. Hahahahaha. :p
Thank you Lord!

8.15.2012

Daddy, I don't want to go to school anymore. I don't want to be in a relationship anymore. I don't to be with these people anymore. I don't want to be strong anymore. :'(

Things I'm wishing for right now

  • My Dad alive
  • Kuya here in the Philippines
  • Freedom
  • Elementary days
  • High school days
  • Good times with family
  • Good times with friends
  • Freedom
  • First semester in CLSU
  • Dormitory days
  • I want to go back in CLSU
  • I want to finish my degree in Biology
  • Fast-forward the days
  • Books and time to read all of them
  • My Dad, I want my Dad right now please. Putangina ibalik niyo sakin yung tatay ko pakiusap utang ng loob
Being strong is quite hard when you're alone. I can't be strong right now. I want a break from all this bullshit. Please. 

8.13.2012

August 13, 2012. ♡

Maaga akong guamayak para pumunta sa school at makapag pa print muna bago ako pumasok sa 1pm class ko. Bumaba kami ni Jorenn sa paborito kong pa-print-an nung high school at nagpa-print. Nung tapos na, tumawid na kami ni Jorenn papasok ng school. Nasa parking lot na lang kami ng biglang...
"Tiny!" eka ni Jeng. Bigla na lang eh. Hahahahahaha! Akala ko pa naman kung ano, nun pala andun sila ni Iyee sa Cakeland! Binigyan nila ko ng cake! :"""") At ng gift! (Naiiyak na ko) :"""(


Nakakainis kayo. Hindi pa ko nasu-surprise (ng mga friends) sa buong buhay ko eh. Sobrang tagos sa puso kasi hindi ko inaasahan to tapos hindi ko talaga inakala to! :'( First time ko `to tapos gusto ko pa yung mga binigay niyo. :'( Bakit alam niyong peborit ko si Mitch Albom. Tapos pinahirapan niyo pa kong buksan yung gift. Nasira tuloy yung wrapper. :'(


Tapos yang letter mo Jeng. Nakakaasar ka. Alam mo bang lagi ko ding naaalala yon? Promise. Walang halong biro. Ang sarap ng tawa natin  nun eh noh? Sabi ko 2012 may dalawang anak na ko. Buti na lang wala pa. :'(
Hindi ko alam kung pano ko kayo papasalamatan sa tuwa na binigay niyo sakin ngayon. Nakakaiyak (umiiyak na actually) kayo. :'(
Maraming maraming salamat sa lahat ng nagbigay ng effort para i-surprise ako. First time talaga to. One of the best days ever. :""""( At pasensya na din kung hindi ko kayo na-treat ha. Mahal na mahal ko kayo (minsan lang ako manlambing hayaan niyo na). Sa Tots, salamat sa pag-intindi. :'( Pat, Riamarie, Jeng, Iyee, and Jennamae, mahal ko kayo! Thank you very very much!

8.12.2012

I ain't even mad


HAHAHAHAHAHAHAHAHA FTW SHIYETTTT

I love you, Ms. Camille Co ❤

Wala akong pakielam kahit ano pang sabihin nila. Kahit ako na ang pinaka-mababaw na tao sa balat ng lupa, I dok keyr. Sobrang saya ko lang. Hahahahahahaha. I love August 12 talaga. XD
I love you Camille Co! Forever and ever and ever ❤

August 12, 2012. ☀☁☂

(`Wag niyo na pansinin yung icons, gusto ko lang ng may icons yung title. Hahahahaha.) Di ba na-late yung dating ng planner ko? Dumating na siya kahapon! At may bonus pang isa! Yayyy! Thank you Zalora! So kanino ko ibibigay yung isa? Abangan! =))
Ngayon balik na tayo sa August 12. Birthday party ni AJ ngayon at ang theme ay Elmo's World! Saka na ko mag-post ng HQ photos kapag meron na sa Facebook, pero sobrang cute ng design! Elmo cupcakes, Elmo cake, Elmo bag, Elmo stuffed toys, puro Elmo! (Kaya nga Elmo's World di ba Tita Tiny? Hahahaha) So yun.  Nagpa-face paint ako ng Elmo!
Hello to my oily pezz. Hahahaha. ang cute ni Elmo! After nun, nagpunta na ko sa McDo dahil ibibigay ko kay Dags yung isang free planner! Yay!
I declare this day as Friendship Fries Day! Twister fries at French fries lang ang kinaen namin. Hahahahaha. =))))) Thank you sa card Dags. Nagpapamood pa ko magbasa. (In short hinahanda ang sarili para sa kababalaghan hahahahaha joke) May nakita pa kaming mga Koreans kanina na kamukha ni Xian Lim at yung bidang lalake sa 500 Days of Summer! XD Hahahahaha. Umuwi na din kami kaagad kasi pagabi na non dahil hapon na din natapos yung party ni AJ.
Pictures!


Apir apir to this day! Rakenrol! Spread peace and love!

Zalora Philippines!

Unang-una, gusto kong magpasalamat sa Zalora at LBC dahil kahit 5-7 days ang sabi nila, my package came early! Yay! Salamat LBC dahil wala kayong pinipiling panahon kahit todo ulan (dahil sa Habagat) noong August 7! At salamat sa Plaza Leticia dahil sila ang tumanggap ng package ko dahil dun binaba ng LBC guy. Hahahahaha. Salamat sa inyong lahat!

Here are my Zalora goodies!


Dapat yung shoes ko from Punchdrunk Panda, yung Dreamers (dreamcatcher design), kaya lang nung o-order na ko, biglang nawalan ng size 7! Tapos yung isa ko ding gusto na Mayan (aztec design), wala din! Hindi ko naman sinasabi na last choice ko `to, pero nung bandang dulo na-realize ko na mas gusto ko pala `to kesa sa mga yun. Hahahahaha! At sa huli, ang binili ko ay Kick Flicks by Saab Magalona and JP Cuison. :-bd

I also got a feather necklace from Mauve and a friendship bracelet from Jellybean. Actually, kaya lang ako bumili ng mga yon ay para makabili ako ng worth P2000 pesos at para may free Belle De Jour Power Planner ako. Pero unfortunately, hindi naisama sa padala. Pero dahil sobrang ganda ng customer service nila, sabi nila ipa-process nila ulit at makakakuha pa din ako! Abangan sa next post ko. :p
And I also got a new top. Currently addicted sa batwing sleeves and loose tops! (pa-girl haha)

8.11.2012

Mapagpanggap

Wag na wag mong ikakahiya kung sino ka. Kung mahirap ka pa, kesho mayaman ka, wala kang bahay, sa public school ka nag-aaral, wala kang cellphone, hindi ka pa nakakahawak ng iPhone... wag kang mahihiya.
Hindi batayan ang materyal na bagay para magustuhan ka ng ibang tao. Hindi isang requirement ang magkaron ng limpak limpak na pera para magka-kaibigan.
Kung ikinakahiya mo ang pagkatao mo, para mo na ding hindi na appreciate ang buhay na binigay sa'yo ng Diyos.
Matuto kang ma kuntento kung anong meron ka. Hindi yung nagpapanggap ka na hindi naman ikaw talaga

8.08.2012

Cross-out Challenge

  1. Had Beer.
  2. Smoked an entire cigarette.
  3. Done drugs.
  4. Written on a bathroom wall.
  5. Read a George Orwell book. 
  6. Had a physical fight.
  7. Used Twitter.
  8. Listened to Lady Gaga.
  9. Been in a car accident. 
  10. Gotten suspended.
  11. Gotten expelled.
  12. Been allergic to something.
  13. Got a computer virus.
  14. Touched a real gun.
  15. Had a dog.
  16. Had a cat.
  17. Been pregnant.
  18. Camped out.
  19. Swam in the ocean.
  20. Wore a bikini.
  21. Driven a car.
  22. Been sent to the principal.
  23. Ever liked someone.
  24. Failed a class. 
  25. Failed a test.
  26. Went to summer school. 
  27. Got worse than a D.
  28. Got A’s
  29. Read an entire book.
  30. Recorded my own music. 
  31. Had an xbox.
  32. Worn heels more than 3 days in a row.
  33. Wore fishnets.
  34. Wore skinny jeans.
  35. Hated someone.
  36. Been cheated on.
  37. Cheated on someone.
  38. Practiced Christianity/Catholicism.
  39. Worn makeup.
  40. Lied to my parents about where I was going.
  41. Had surgery.
  42. Had my license. 
  43. Been to college.
  44. Graduated high school.
  45. Attempted suicide.
  46. Self harmed.
  47. Worn colored contacts.
  48. Painted my nails black.
  49. Broken someone’s heart.
  50. Had my heart broken.
  51. Cried for an hour straight.
  52. Lost something very valuable.
  53. Got separated from one of my parents as a kid. 
  54. Broke a bone.
  55. Been stung by a bee.
  56. Eaten something bad/expired.
  57. Threw up from being so drunk. 
  58. Saw someone throw up from being so drunk.
  59. Danced with someone of the same sex.
  60. Owned an ipod.
  61. Danced with someone of the opposite sex. 
  62. Owned an iphone.
  63. Fell for a best friend.
  64. Stole a friend’s significant other.
  65. Went far away from home for more than a week.
  66. Moved out.
  67. Ran away. 
  68. Had a job.
  69. Been fired.
  70. Lied to a friend.
  71. Lied to a family member.
  72. Had a Facebook.
  73. Posted a video on Youtube. 
  74. Started a rumor about someone. 
  75. Talked bad about someone.
  76. Dropped out of school.
  77. Deliberately failed a test.
  78. Been skinny dipping.
  79. Counted to a million.
  80. Counted to a thousand
  81. Ate rabbit meat.
  82. Ate duck meat.
  83. Had fast food.
  84. Been to Church.
  85. Been to Canada.
  86. Been married.
  87. Had a divorce.
  88. Broke a glass.
  89. Hugged someone today.
  90. Texted someone today.
  91. Received a phone call today.
  92. Threw something out of the window. 
  93. Ignored a text from someone on purpose.
  94. Wish you were somebody else.
  95. Had my feelings hurt by a friend and never told them.
  96. Kissed someone
  97. Been to a concert
  98. Seen your favorite band live
  99. Met a celebrity.
  100. Met your favorite band
  101. Own more than 10 CDs

Excuse the cheesiness of the following photos.




Love you!

Sarap sa puso. ♥

This post is meant to thank the people (within this post) and to share my blessings. And also to thank the Lord above. Baka kasi may masabi yung iba. Alam na. Hahahaha. Ang mga tao nga naman. XD
Siguro kapag nag-bi birthday tayo, ang pinaka-paborito nating part ay ang mga regalo. Aminin mo. Hahahaha. Kahit gano ka pa katanda, kinikilig pa din yung pwet mo kapag nakakatanggap ka ng regalo, surprise man o hindi. Nakapaloob sa post na `to ang mga regalong natanggap ko sa birthday ko. Let's celebrate together, cheers!
Ang unang regalong natanggap ko ay ang tumataginting na laptop mula sa tito ko. Sabi ko nga sa isang post ko, matagal na kong tumigil umasa na magkakaron ako nito. Pero a week bago ang birthday ko, pinatawag ako ni Mama (kapatid ni Daddy). Tinanong ako kung ilang taon na ko sa birthday ko, sabi ko 18 na ko. Tinanong niya ko kung gusto ko daw ba magpa-party. Kung kilala niyo ko, malamang alam niyong ayaw ko. HAHAHAHAHA. Kaya sabi niya, laptop na lang daw pag-uwi ni Papa. Pero sabi niya kung sakaling hindi makabili si Papa, sa December daw. Kaya hindi talaga ako umasa na magkakaron ako ngayong August. Thank you Papa and Mama and family! Sigurado akong tuwang-tuwa si Daddy. I love you po.


Nung mismong birthday ko, binigyan ako ng pinsan ko ng bag and top. Thank you Ate Alea! I love you so much! <3
Dumating na din yung package ko from Zalora kahapon, sayang nga kasi di pa umabot sa birthday ko. Haha! Ihihiwalay ko na lang ng ibang post.
Thank you Lord for the blessings!

18th Birthday. ✌

Unang-una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa lahat ng bumati sakin. Mapa-text man yan, wall post sa Facebook, mention sa Twitter, at e-mail sa Yahoo!. Maraming, maraming salamat po. Na-appreciate ko pong lahat yon.
Kay Dags, sa message mo na talaga namang naiyak ako ng bongga. Mahal na mahal kita. Alam mo yan. Walang halong biro.
Kay Nerisse. Naiyak naman ako sa,"Pinaka-kwela, pinaka-berat at pinaka-dakilang blogger". Hindi ko alam na may tumatawa at nakaka-appreciate ng mga pino-post ko. HAHAHAHAHAHA. I love you Number 1 Fan (chos)! Alam kong mababasa mo `to. =))
Sa mga friends ko nung high school, sa Tots, sa Einstein, Newton, sa lower years, thank you sa inyo! Sa hampas at kurot ni Pat nung Lunes. Mahal ko kayo!
Pati na din nung elementary, syempre. Kahit ilang taon na ang nakalipas, hindi pa din natin nakakalimutan ang isa't isa.
Sa Ladies Dorm Room 3 2011. Apolyte, Ate Khay, Jes, Shai, and Nelle (na nakitext pa para mabati ako). Mahal na mahal ko kayo
Sa family and relatives ko! Thank you po! Mahal ko kayo!
At syempre sa nagpapa-tibok ng puso ko (tae ang corny). I love you Jorenn Del Mundo!
Thank you Lord! Sa labingwalong taong ibinigay niyo sakin, sa labingwalong taon kong pangungulit ko sa mundo, sa blessings na na-receive ko. Maraming maraming salamat po! Iyakap niyo na lang po ako kay Daddy at pakisabing mahal na mahal ko siya.
Ulit, maraming maraming salamat po sa inyo! Kung hindi ko kayo nabanggit, counted pa rin yun basta't binati niyo ko! Rakenrol! Apir!

8.05.2012

Slapshock in Cabanatuan City.

Dahil mag-ce celebrate ng 14th year anniversary ang Mega Center, pupunta dun ang Slapshock para tumugtog. Isa ang Slapshock sa pinaka-magaling na banda dito sa Pinas kaya naman nung nalaman ko nung mismong araw ng July 31 na pupunta sila dito, hindi na ko nag-dalawang isip magpunta. Kasama ko si Jorenn. Kahit na alam naming late pupunta ang Slapshock kahit na 3PM ang nakalagay sa poster, 3PM pa din kami pumunta dun. Kahit umuulan.
May tatlong banda kasi na tutugtog bago yung Slapshock. Una yung Rippin Monkeys. Nakikita niyo ba yung babae sa loob ng bilog sa baba? Nanay siya nung guitarist at lead vocals nung banda. At habang kumakanta sila, kumakanta din siya! Tumatalon talon pa. At metal ang genre ng Rippin, mind you! Grabe. Ang lupet talaga! Halatang sobrang proud niya sa mga anak niya at proud din yung mga anak niya dahil todo bati sa kanya. Lupet!

 

Sumunod na tumugtog yung Triangulo. No comment. Sumunod ang Light of Luna. Sa mga taga-subaybay ng Pinoy Rock music scene, sigurado akong narinig niyo na sila. Sila lang naman ang three-man band na nanalo sa Red Horse Muziklaban na TIGA-CABANATUAN. Nakaka-proud di ba? Iba talaga ang mga banda dito satin!
Tapos after nun, siguro mga bandang 8:30pm na, tsaka palang tutugtog ang Slapshock. Ayos kasi hindi na umuulan. Nung lumabas sila, as usual yung adrenaline ko sobrang taas na. Kaya naman nung kumanta na sila, at nag-slam-man na kami. Nag-tatalon kami, nakisabay sa kanta.

Photo by Ser Micah. Hi Ser! =))
Tapos may isa pa nga pinaalis ni Jamir (vocalist) kasi may ginagawang kagaguhan. Ayaw daw niya yon kasi gusto niya eh peace, music, and love. Astig. Tapos nung sabi nila kakantahin na nila yung "Adios", akala namin last song na nila yun dahil, duh, adios di ba? Kaya nung tapos na yung kanta at pagod na kaming kaka-talon at kaka-kanta, umalis na kami ni Jorenn para umuwi. Mediyo malungkot ako kasi hindi tinugtog yung Carino Brutal. Tapos nung sasakay na kami biglang... PUTANGINA KAKANTAHIN PALA NILA!!! Balik kami agad ni Jorenn tapos talagang todo bigay na ko sa pagkanta, sa pagtalon. Yung katabi kong lalake eh weird na weird na sakin. Hahaha!
Mga bandang 9:30pm na kami nakauwi. Sobrang pagod sa pagtayo mula 3PM, sa pagkanta, at sa pag-slam! Pero tangina, sobrang worth it naman! Lupet! Slapshock sobrang lupet! Mabuhay ang musikang Pilipino! Rakenrol!
source
It's a problem-free philosophy.

8.02.2012

NoypiGeeks Giveaway: Win a DTC GT3 Astroid Android Phone.

Nung una kong makita ang GT3 Astroid, hindi talaga ako makapaniwala na meron pala talagang android phone na sobrang daming magagandang features na less than Php5000 lang. At sa lahat ng reviews na magaganda ang ratings na nakikita ko, sigurado akong worth it ang pera mo kapag bumili ka.
Pero bakit mo pa kailangang bumili kung pwede mo namang testing-in ang kakayahan mong tsumamba sa giveaway ng NoypiGeeks? Sabi nga ng isang sikat na Pinoy na author, `wag nating maliitin ang kakayahan nating tsumamba at syempre, kasama na rin ang optimism mo. Positive vibes at tiwala lang!
Good luck sa mananalo (sana ako na `yon haha) at salamat Lord!