Do you believe in God? Ang daling sabihing "Oo", hano? Lalo na kapag madaming dumarating na blessings galing sa Kanya. Lalo na kapag masaya ka, lalo na kapag maraming bagay na grateful ka.
Eh paano kung nabaliktad si Kapalaran? Paano kung puro kamalasan? Paano kung puro trahediya ang nangyayari sa buhay mo? Masasabi mo ba agad-agad ang, "Oo"?
Hindi mo masasagot `yan, kung nababasa mo man ngayon `to. Kasi wala namang nangyayaring ka-sumpa-sumpa sa buhay mo. Maaari din na, oo... marami kang problema. Mababang grades, peer pressure, drug addiction, yosi, red horse, nawalan ka ng trabaho, tambay ka, nakakulong ka ngayon, o nasa ospital ang isa sa mahal mo sa buhay... Buti pa nga yun eh, alam mong makakasama mo pa siya. May chance ka pa.
Eh na-try mo na bang mawalan ng mahal sa buhay? Ng kaibigan, kasangga, kapatid, asawa, anak, magulang? Kung oo, maaaring masasagot mo ang tanong ko. Pero kung hindi pa, mabuti naman.
Ako oo, nawalan na ako ng magulang. Mag-iisang buwan na sa isang araw. Siguro, sa perspective o sa point of view niyo, madali lang mag-move on. Pero hindi eh. Tangina. Sobrang hirap.
Gusto mong alisin sa memorya mo yung huling alaala mo ng taong mahal mo kasi ang hirap tanggapin na yun pa yung last memory mo sa kanya. Yun pa yung fresh. Yun pa yung mas madaling alalahin. Yung pinaka-nakaka-lungkot. Tangina eh noh? Bakit hindi na lang yung masasaya. Yung mga nangyari noon. Bakit hindi na lang yun? Bakit kailangan yun pang pinaka-ayaw mong senaryo sa buhay mo ang maalala mo gabi-gabi?
Sabi ni Popoy ng One More Chance, kaya daw tayo iniiwan ng mahal natin, eh baka may darating na "mas" hihigit sa taong yon. Bullshit yon. Magpapakamatay na lang din ako kung may darating na "hihigit" sa Daddy ko. Sabi ng iba, kaya daw may nangyayaring "bad things" sa buhay natin, kasi may darating pang masasaya. Bullshit din yan. Sa tingin ba nila, kapag umakyat ka sa entablado kapag kukunin mo na ang diploma mo, masaya ka na wala ang tatay/nanay mo? Sa tingin mo ba kapag kinasal ka na wala ang tatay/nanay mo, eh masaya ka? Sa tingin mo ba kapag nagka-anak ka, hindi mo maaalala na sana nandito pa siya? Sa tingin mo ba sa bawat birthday at Pasko at Bagong Taon na darating, hindi mo hihilingin na sana nandito siya sa tabi niyo?
Masama na ko kung masama. Pero bakit hindi na lang ang mga taong puro masama ang ginagawa sa mundo ang kinuha Niya? Bakit hindi lang si Ampatuan? Bakit hindi na lang si Gloria? Putangina lang. Bakit si Daddy pa? Putangina.
Naniniwala ako sa Diyos. Oo naman, naniniwala ako. Nagpapasalamat pa din ako sa Kanya sa mga bagay na binigay Niya sa amin. I never stopped believing.
Pero sa mga oras na napu-punyeta ang buhay mo, minsan maguguluhan ka na lang talaga.