8.27.2011

Please, let someone know.

Kung magkaka-jowa, syota, o boyfriend ka, short term man o long term, ipagsigawan mo sa mundo. Let your parents know. Please lang. Please, please, please lang talaga. Kung ikaw ay 13, 14, 15, 16, o kahit 17 year old ka, at may boyfriend ka na, please lang. Sabihin mo sa parents mo. Make it legal. Because having a boyfriend is a serious matter. And yes, love is a serious matter.

Hindi naman kayo papatayin ng mga magulang niyo kapag pinakilala niyo ang boypren niyo sa kanila. Siguro matutuwa pa yun at hahangaan pa kayo for your honesty and courage. Hindi naman kasalanan ang magmahal. Pero kasalanan ang magtago sa mga magulang niyo na ginagawa ang lahat para lang matupad ang mga pangarap niyo. Tapos kayo? Magpapa-buntis lang? Jusko. At isa pang dahilan para ipakilala ang boypren niyo ay para kung nabuntis ka man, alam nila kung sinong tarantado ang mananagot sa'yo.

Dahil hamak sarap ng isang relationship ng wala kang pasanin. Ang sarap ng pakiramdam na ipakilala sa pamilya mo ang boypren mo at makitang tanggap nila kayo. Yung tipong pwede kang mag-paalam sa kanila na hindi mo na kailangan mag-formulate ng dahilan kung sino ang mga kasama mo.

Kaya please lang, let the world know. Let someone know.

No comments:

Post a Comment