8.14.2011

Memories.

Yes, we make memories. Araw araw naman yata. Alaala nung bata ka pa. Early childhood memories. Nung elementary tayo. Nung akala mo eh, love na ang nararamdaman mo nun para sa crush mo. Mga panahong nadapa tayo at umiyak. Mga pagkakataong pinagalitan ng teacher dahil maingay at magulo. Mga panahong pinagsasabihan pa kami ni Ma'am Gamboa ng,"Kayo ang pinaka-worst na naging klase ko!" Yung mga tipong nakipag-away ka sa teacher mo dahil alam mong tama kayo.

At syempre nung high school. Sino ba naman ang makakalimot sa high school `di ba? Yung adjustments nung first year. Yung math na hindi mo ma-gets. Yung classmates mong magigilas. Mga school activities. HSTAG. Mga panahonh wi-nalk-out-an kayo ng teacher niyo. Mga kaibigan... Si Jorenn. Nung third year. J.S. promenade. Fourth year. THESIS. Graduation. Yun yon eh. Yung umakyat ka ng stage kasama ang Daddy mo at inabot sa'yo ang diploma mo at nasabi mo sa sarili mong,"Isa na lang. Isang beses na lang."

Pero kahit mag-tumbling ka, hindi mo na mababalik yun. Kaya mag-head spin ka pa at iuntog mo sa pader ang ulo mo, alaala na lang lahat yan. Kahit gaano ka pa maging bitter sa isang tao, after 10 or 20 years, it won't matter anymore. Mga istorya na lang yan na maiku-kwento mo sa mga magiging anak mo.

Dahil sa bawat araw, linggo, buwan, at taon, gumagawa na tayo ng mga bagong alaala kasama ang mga bagong tao sa buhay natin. Hindi dahil nag-iiba tayo, kundi dahil ganun talaga ang buhay. Walang permanente sa mundo, pagbabago lang.

Dahil ang tao, parang wika lang yan. Dinamiko.

No comments:

Post a Comment