Another benefit is magkakaroon ka ng a circle of new friends. To start anew. Getting to know each other type. Kanya-kanyang istorya nung high school. Kanya-kanyang pinag-graduate-an na school. At kanya-kanyang kwento sa adjustments sa college.
Para sakin, benefit din ang sobrang sisipag na professors na talagang hindi masasayang ang tuition fee na pinag-hihirapan ng magulang mo. Lalo na sa Bio Lab 105, MATH 100, at P.E. 100 ko. As in wala pa silang late at absent at sobrang gagaling magturo. At syempre, ang isa sa pinaka-peyborit kong teacher ay si Ser Mina na parang si Ser Alwyn kung magturo. Registered nurse na, licensed teacher pa at sobrang daming natututunan kahit CWTS lang ang subject namin sa kanya.
Sa kolehiyo din ako natutong mag-planner.
Dito rin kami namulat na hamak sarap mag-aral kesa mag-trabaho. Sabi nga ni Ser Mina, mahirap ang reality. Mahirap maghanap ng trabaho at magkaron ng responsibilidad lalo na sa kalagayan ng Pilipinas na napaka-daming unemployed. Dito ka mamumulat kung ano ang priorities mo pagka-graduate mo.
Kaya sa mga estudyante, lalong lalo na yung mga nasa malayo na pinag-aaral ng magulang tapos nag-gu-good time lang. Aba, mahirap ang buhay. Maawa naman kayo sa mga magulang niyo. Hindi naman ho mina-magic ang perang ginagastos niyo.
No comments:
Post a Comment