7.24.2011

Mga maliliit na bagay sa isip ko.

Minsan, o madalas, naiisip ko kung bakit yung ibang tao sa mundo, kailangan ma-inggit sa ibang tao. Bakit kailangan mainis ka sa isang tao. Bakit? Kasi may ugali kang ayaw mo sa kanya? Kasi may mga bagay na meron siya na wala sa kanya? `Di ba? Bakit?

Eh kung i-try mo kayang mahalin siya. Mahalin lahat ng flaws niya. Tanggapin kung sino siya. `Di ba? Kasi bakit mo kailangan mainis sa isang tao?

Let's see. Kapag nainis ka sa isang tao, probably because insecure ka. Or you're jealous or envious of what they have. Eh bakit, kasalanan ba nilang ganun sila? `Di ba hindi naman? Lahat naman tayo may kanya-kanyang ugali. Ikaw din sa sarili mo, may mga ugali ka din na kaiinisan ng mga tao.

Pero kung tatanggapin mo yung isang tao kung ano siya, `di ba mas masarap sa pakiramdam? Mas magaan. Yung tipong, may masabi lang siya, maiinis ka na. Eh kung `wag mong pansinin? O hayaan mo siya.

`Di ba? Kasi kung patuloy mong papansinin ang isang tao na ayaw mo, eh mas malamang araw araw ka lang makukunsume sa buhay mo. Eh kung hayaan mo siyang mabuhay, o eh `di pareho kayong masaya.

`Di ba?

Ang gulo kasi. If you try to accept and to love someone and their flaws, eh `di sana ang sarap mabuhay `di ba? Happy happy sana at rakenrolan poreber. Kasi, if you live in hatred, ang bigat sa pakiramdam. May possibility pang hindi ka mapuntang langit.

Eh kung i-try mong mahalin lahat ng tao. Yung tipong hahayaan mo sila kung ano ang gusto nila. Kasi trip nila yun eh. Sige nga, kung pakielaman yung trip mo, badtrip `di ba?

Try to live in peace. Jusko. Magulo na nga ang mundo dahil sa oil price hike, gyera sa Iraq, at pagtaas ng pamasahe, sasabayan mo pa ng kunsume dahil lang sa nakikita mo sa ibang tao.

Ang babaw eh. Grabe.

No comments:

Post a Comment