7.03.2011

Iba na kasi kapag tumatanda ka.

Nag-iiba yung point-of-view mo sa buhay. Nag-iiba yung priorities mo. Nawawala yung mga bagay-bagay na ginagawa mo dati. Nag-iiba attitude mo. Nag-iiba yung mga hilig mo. Maraming nag-iiba kapag tumatanda or kapag nag-ma-mature na ang isang tao. Kaya akala ng iba, nag-iiba ka na. But, in fact, you are not. You're just... getting older.

For example, college. Syempre, kapag college ka na, hindi naman pwedeng utak high school ka pa den. College ang huling step papunta sa totoong buhay. Kung napaka-immature mo pa din mag-isip, hindi ka uubra sa reality. Na mahirap kumita ng pera. Na mahirap maghanap ng trabaho. Na pagkatapos mo ng kolehiyo, nakakahiya kung aasa ka pa din sa mga magulang mo.

Kaya `wag kayong magtaka kung minsan, ang isang tao, nag-iiba. Kasi kasama yan sa kumpas ng buhay. "Change is the only permanent thing in the world."

No comments:

Post a Comment