7.30.2011

Kung may isang babae akong i-a-idolize...

Hindi si Marilyn Monroe. Hindi rin si Oprah Winfrey. At kahit sobrang hanga ako kay Eleanor Roosevelt, hindi din siya. Kundi... Ang babaeng nagbigay ng buhay at nagmulat sakin sa mundo, ang Mom ko.

Mommy ko? Simple lang. And when I say simple, I'm serious. Kapag nakita mo ang Mommy ko, naka-Chucks lang yan o kaya naka-Vans. Naka-shorts at naka-polo shirt o T-shirt. 4'11 siguro ang height at naka-pixie cut ng buhok. A great cook, a loving wife, and a wistful mother to her kids.

And as the saying goes, marami kaming something in common ng Mommy ko. My love for Chucks, at ang pananamit ng simple. My love for Biology, for Science, and for Nature. At ang walang sawang pag-mumura. Bwahahaha.

Kapag nanunuod ng TV yan, dalawang channel lang. It's either National Geographic Channel or Food Network.  Simple lang din hobbies ng Mommy ko. Ang mag-games sa FB, mag-cross stitch at mag-alaga ng halaman. Kapag hinanap mo sa bahay yan, makikita mo lang siya sa mini-garden niya sa likod ng bahay namin. At kung Pop songs lang naman ang pag-uusapan, asahan mong alam niyan ang lyrics ng mga kanta ni Lady GaGa at Bruno Mars.

My Mom, hindi siya genius, pero sobrang witty niyan. At twing kailangan ng advice ng mga tito at tita ko, siya lagi ang lalapitan. And in my 16 years here on Earth, I never saw her take a side. Laging patas.

Masungit ang Mommy ko. Haha! Pero hindi siya strict. Kapag uuwi ako ng gabi, tatanungin lang niya kung bakit ako gabi inuwi at papaalalahanan lang niya ko na alam ko na kung ano ang tama at mali. Na nagdaan din siya sa pagiging teenager. Nung naging kami ni Jorenn? Ganun lang sinabi sakin ni Mommy. Na may tamang panahon ang lahat.

Kaya siguro kapag gagawa ako ng kagaguhan, lagi ko siyang maiisip. Makukunsensya ka talaga. Kasi sa dami ng binigay nilang privilege sa'yo para ma-enjoy mo ang teenage life mo, bakit gagawa ka pa ng katarantaduhan. `Di ba?

Kaya sa nalalapit mong birthday (Pero mas malapit yung akin), gusto ko lang sabihin na thank you sa pagpapalaki mo samin nila Dikong at Kuya. Wala kayong pagkukulang ni Daddy. As in wala. Advance Happy Birthday Mommy! I love you! Ikaw ang pinaka-astig na Mommy sa buong mundo. \m/ Hindi ko man masabi ng harapan sa'yo `to, it's the thought that counts! Haha! :* >:D< :')

No comments:

Post a Comment