Love for me is the hardest thing to give up. De, corny na kung corny pero totoo `to. Alam mo ba kung ano ang point ng buhay mo?
Ayon sa The Purpose-Driven Life ni Rick Warren, relationships, not achievements or the acquisition of things, are what matter most in life.
At ayon dito, "The point of life is learning to love - God and people. Life minus love is zero."
Kapag alam mong mamamatay ka na, hindi mo naman sasabihin na "Kunin mo ang mga awards at diploma ko. Kunin mo ang mga ari-arian ko." Di ba? Hindi tayo ganun. Ang hahanapin natin, ang mga mahal natin sa buhay.
Hindi tayo ginawa ni Lord para mahalin ang mga bagay na uso. Para maging materialistic. Naalala ko tuloy si Paul Leonardo (Previous blog). Nandito tayo para matuto tayong mahalin Siya at ang mga Anak Niya.
And this brings to my other topic. `Wag maging materialistic. Kung bibigyan ako ng isang milyong piso pero hindi ko matutupad kung anong nasa puso ko, hindi ko tatanggapin yon. Bakit? Mas gugustuhin ko pang maging mahirap sa daga habang nag-aaral ako. Pero alam ko sa sarili ko na balang araw, kung sakaling kinuha ko ang isang milyon, hindi ko na maipapamana sa mga anak ko yun. Pero kung natupad ko ang mga pangarap ko, at nakakuha ako ng good education, hanggang sa magka-anak na ang anak ko, may kayamanan pa din akong maipagmamalaki ko.
Hindi ko pinapakielamanan ang trip ng ibang tao. Opinyon ko lang `to. Simpleng payo lang mga `tol. `Wag kang kumuha ng kursong uso, kunin mo kung ano ang nasa puso mo. Dahil pag-akyat mo ng entablado at nakuha mo ang diploma mo, isa ka na din sa pinaka-mayamang tao. At alam kong proud na proud pa din sa'yo ang mga magulang at kapatid mo.
No comments:
Post a Comment