Pinaka-paborito kong genre ay Rock - both Alternative and OPM. Not Metal and Punk Rock. Ayaw ko nun. He-he. Maingay kasi.
Gusto ko ng Alternative Rock kasi para sakin, lahat ng kanta na ganun pinag-hirapan. Pinag-hirapan isulat, lapatan ng kanta, kantahin, and at i-perform sa mga tao. Walang edits, walang patong. Sariling effort. At kadalasan, makaka-relate ka sa mga kanta nila.
Mahilig ako sa banda. Lalo na OPM Bands. Sa totoo lang, kapag nanunuod ako ng concert, nagkaka-adrenaline rush ako. He-he. Ramdam na ramdam ko yung mga instrumento (Kahit hindi ako marunong tumugtog). Ramdam na ramdam ko yung rhythm at teamwork ng grupo.
Pero hindi lang din naman Rock. Basta yung kanta, walang edits (Hindi tulad ng mga uso ngayun.) tulad ng Autotune, gusto ko. Country Songs. Yung mga kanta ni Taylor Swift. Pure compositions niya, tapos siya rin nag-lalapat ng kanta. Kaya gusto ko rin siya. Kapag gusto ko mag-senti.
Yun. He-he. Rakenrol. \m/
No comments:
Post a Comment