Ayoko sa mga taong feeling nila eh maganda sila. Chaka yung feeling nila eh susyal at mayaman sila kahit hindi naman. Yung tipong trying hard makibagay sa mga social pero kahit anong gawin nila, hindi naman sila magiging ganon. I mean, bakit hindi mo na lang kasi tanggapin sa sarili mo na may kanya-kanyang lugar ang tao? Hindi ako nagagalit or anything, naaawa pa nga ako. Kasi ang O.A. eh, yung tipong feel na feel mo mag-English, tapos kahit anong gawin mo hindi ka makikibagay sa kanila. Kasi sila, kahit hindi sila mag-English, social na sila. May kaya na sila. Kaya yung mga bagay na meron sila, `wag mo na pangarapin. Kasi sila, isang sabi lang nila sa mga magulang nila, maibibili na sila agad. Nag-mu mukha lang tanga eh. Sila, kapag pumorma sila ng uso, bagay sa kanila. Kayang kaya nilang dalin. `Wag mo ng hintayin na pagtawanan ka ng ibang tao dahil trying hard ka masyado. Alamin mo kung saan ka dapat lumugar.
Hindi ako nanglalait. At hindi ko rin gusto makasakit sa mga taong tatamaan dito. Wala akong gustong patamaan. Gusto ko lang sabihin ang opinyon ko.
Simpleng payo lang mga `tol. Ganyan talaga ang mundo. Hindi na magbabago `yun.
Simpleng payo lang mga `tol. Ganyan talaga ang mundo. Hindi na magbabago `yun.
No comments:
Post a Comment