6.02.2013

Day 2: Look up your horoscope for today and tell us what you think about it.

Actually ako talaga yung taong naniniwala sa horoscope. Sa totoo lang talaga. Hahahaha. Pero etong horoscope for today, hindi ako maintindihan eh. Hahaha. Ang lalim pota. =))
Siguro ano... Maghanda ako sa mga pwedeng dumating ngayong araw?
Actually, may dumating na nga. Si Sir Ian, nag-send sakin ng email kanina. Interview tips. Shit lang kasi talagang sobrang nanghihinayang ako. Tapos nag-reply na ko, sabi ko hindi ako makaka-attend bukas chuchu. Ganito ang sinabi: Sorry for the inconvenience this will cause you sir, but I won't be able to attend the interview tomorrow. Thank you for the opportunity.
Tapos nag-reply! Shit.
Sabi: I can re-schedule your interview if you want.
Shet! Ano ba yon. Sign ba yon? Na dapat  kong tanggapin? Ano? Hahaha. Kaloka. Okay sana kung hindi nalang nag-reply eh. Kaya lang may hirit pa huhu. Sobrang nanghihinayang talaga ako sa opportunity.
Yun lang. Nag-share lang ako ulet lol.
Labo ng horoscope ko today. Jirits! =))

6.01.2013

Day 1: Favorite female character.

Dr. Lisa Cuddy. Well, since konti lang naman characters sa House M.D. and three seasons palang napapanuod ko, si Dr. Cuddy pa lang muna favorite ko.
Bakit si Lisa Cuddy? Kasi kayang-kaya makipag-sabayan kay Greg. As in. Kapag nag-kana yang dalawa na yan, sobrang laughtrip ka. Hahahaha. At chaka siya din yung parang ego check ni Greg kapag sumosobra na siya sa kagaguhan niya lol.
Ayun. Aaah! I miss House M.D. Season 4, I'm coming!!!

Day 1: Your middle name, and how you feel about it.

Hindi ko alam kung ano ang middle name na sinasabi pero ang alam ko kasi, yung middle name yung kasunod nang first name mo, hindi yung maiden name ng nanay mo. Kaya ang middle name ko ay...
Jonas.
Actually, mas gusto ko ang second/middle name ko kesa sa first name ko. Hahahaha. And yung Jonas, siya yung nasa Bible. Tapos meron kaming dictionary tapos may meaning yung names sa likod, kaya nung bata ako hinanap ko yung meaning ng names ko. Yung first name ko ang ibig sabihin, belonging to Christ. Tapos yung Jonas ang ibig sabihin ay "dove".
Tiningnan ko ngayon sa Wikipedia (mga 1 minute ago) kung tama nga yung dictionary namin (tamang duda lang haha) eh tama naman. At ang meaning daw ng "dove" ito ay symbol ng "peace". So lalo ko pang minahal ang middle name ko dahil sabi ko nga sa Twitter noon, kung bibigyan ako ng isang wish na talagang matutupad, World Peace ang hihilingin ko.
Tapos yun nga. Yung name ko talagang kinuha sa Bible. Yung Book of Jonah. Long story short, si Jonas inutusan siya ni Lord na pumunta sa Nineveh para i-turn yung mga tao kay God tapos ayaw niya pumayag kaya tumakas siya. Sumakay siya sa barko tapos nagkaron ng storm kaya nalaglag siya sa dagat, tapos kinaen siya ng malaking isda. Tatlong araw at gabi siya don. Tapos nung huli, nag-sorry na din siya ni Lord. Pinatawad siya ni Lord kaya pinakawalan siya nung isda kasi kinausap ni God yung isda. Napunta na ngayon si Jonas sa Nineveh. Nagawa ngayon ni Jonas na mag-repent yung mga tao kay Lord, tapos pinatawad na ni Lord yung mga tao sa Nineveh. Nagalit ulit si Jonas, gusto niyang mamatay na lang. Pero ayaw ni Lord. Tapos basta, si Jonas ang isa sa mga magagaling na propeta.
Tapos nito lang, yung isa sa mga favorite book ko Jonas yung pangalan nung main protagonist! Ang title ng book ay The Giver by Lois Lowry.
Kaya ayun. Love na love ko ang middle name ko and kung tutuusin, gusto ko nga na yun na lang itawag sakin ng mga tao. Lol. =))

05-31-2013


Happy Birthday, Pat! Lugeng-luge yung Buko ko naging Gentleman. Hahahaha! =))
Wala lang. Ang payat ko tingnan sa picture na'to haylabet. =))

"In the end, we only regret the chances we didn't take and the decisions we waited too long to make."

Siguro nung Wednesday yon. Nakakita ako ng job ad na tiniweet ng isa sa mga favorite kong tech bloggers. Ano kase, hindi naman talaga ako nag-e expect or something. Kaya lang kase yung efficiency test nila, ano tinry ko lang naman e tapos nakapasa ako. Wahahaha. Ano ayun, tapos para kasing 89% yung result ko nga tapos sinend ko ngayon sa email nila. Tas the next day, tiningnan ko walang reply the whole day. As in. So hindi na ko talaga nag-expect. Tapos nung Friday morning habang nag-lalaro kami ng Monopoly ng mga pinsan ko biglang may nag-text na lang. Actually, hindi ko rin naman alam yung company na pinag-apply-yan ko. Hahahahaha. Tapos yung sa text, sa isang  sikat na company pala. Fuck lang hindi ko talaga ine expect yon kasi kilala ko yung company. And as an IT student, parang dream ko den na mag-trabaho dun someday so ako naman kahapon... "Tangina totoo ba to. Shet." As in hindi ko alam yung gagawin ko.
Ano kasi, since nung nawala si daddy, syempre wala namang trabaho yung nanay ko, yung mga kamag-anak ko na lang yung tumutulong sakin para makapag-aral ako. Yun talaga yung isang reason kung bakit ako lumipat dito sa NEUST kasi kahit mura tuition sa CLSU, yung boarding and lodging mejo magastos. So ayun nga. Si kuya at yung dalawa kong tita na lang halos nagpapa-aral sakin.
Kaya kahapon talaga, as in gustong gustong gusto (emphasis dun sa gusto) ko na i-accept yung offer. Kaya lang nga, sa MoA yung company address tapos sa Monday na yung start (kasi nga immediate talaga), tapos naka-enroll na ko.
Nag-alangan ako syempre. Kasi nag-shift ako ng course, and isang year na kong behind para grumaduate. And ayoko ng patagalin pa yung pagpapa-aral sakin nila kuya at ng mga tita ko kaya gusto ko na rin na madaliin yung pag-aaral ko (kung pwede lang i-summer yung course ko pero hindi pwede).
Pero kahapon talaga  gusto ko na talaga kunin. Dahil sa mga reasons below:
  • Nahihiya na ako.
  • Kailagan namin ng pera and gusto ko ng makatulong.
  • Yun nga, gusto ko ng makatulong and naiinip na ko mag-aral.
  • Sobrang kailangan talaga namin ng pera. Wahahaha.
  • Ayoko na dine sa bahay. Hahaha.
Syempre, pera naman talaga naman talaga ang pangunahing rason. Ayun. Pero syempre, hindi naman pwede pa-daskol daskol ang desisyon mo sa buhay.
Kahapon, nanghingi ako ng advice sa best friend ko, tapos dun sa sinabi niya nahimasmasan talaga ako. Kasi all the while na nag-co computer ako kahapon ang lamig talaga ng kamay ko, adrenaline plus sari-saring emotions. Pero dun sa sinabi niya, talagang na-open yung isip ko. Dags, sating dalawa ikaw talaga yung logical eh. Parang ikaw yung nanay, ako yung anak na laging nanghihingi ng words of wisdom. I love you talaga pa-kiss nga huhu.
Ayon. Hindi ko na kinuha kasi sabi niya, kapag daw nakayari ako ng studies ko, mas maraming opportunities. Pero syempre at the back of my mind, hindi ko maiwasan na malungkot kasi sabi nga sa title ng post na'to, ayoko ma-regret yung mga chances na hindi ko ite-take ngayon. Ayoko talaga manghinayang. Pero sa reality kasi ng buhay, kailangan practical ka. Logical.
Gusto ko din mag-sorry kay Jorenn kasi nung sinabi niya sakin yon, yung kapag nakatapos kami ng studies nga na maraming opportunities na dadating, nagalit ako kasi akala ko ayaw niya lang ako lumayo. And inaaway ko talaga siya kahapon kasi sabi ko hindi niya ko naiintindihan kasi mayaman sila, etc. etc. Ayon. So kaya kagabi tuloy sa party ni Pat wala akong gana masyadong mag-salita kasi iniisip-isip ko talaga yung job offer. (Belated happy birthday nga pala, Pat! :D)
Ayon. Hahahaha. Wala lang. Nag-share lang ako mehehehe.