4.11.2012

Day 1: One thing you want right now.

Gusto ko ng mayari yung bahay namin. Jusko. Plezz lang. Feeling ko sinasadya yata ng mga karpintero na bagalan ang paggawa nila para madami silang sweldo! (Per day ang basis ng sweldo nila kaya kung mas matagal, mas madaming kita.)
Kahirap gumalaw dito sa bahay (yung kalahati na lang ng bahay namin). Araw-araw, puro alikabok yung higaan ko. Kapag kagising ko sa umaga, kailangan ko pa makipag-kapitbahay (sa mga lola ko lang naman), para lang mag-toothbrush at maghilamos. Ganun din kapag natatae at gusto ko ng maligo.
Ang hirap mag-computer. Nakaka-irita mag-sounds. Kahirap kasama ng mga kasama ko sa bahay! Putangina lang.
Hindi naman sa nag-rereklamo ako, sobrang thankful ko na sa wakas titino na ang bahay namin. Pero please lang! Suyang-suya na ako na ang isang liko lang ng mukha ko, makikita ko na sila.
Kaya kung tatanungin niyo ako kung ano ang gusto ko, gusto ko lang mayari na ang bahay namin para maging mapayapa, matino, at masaya na ang buhay ko.
P.S. Hindi ako galit. Nagpapaliwanag lang.
source!

May hangganan din ang lahat ng ito.

Eto lang ang gusto kong tandaan niyo: Balang araw, luluhod din kayo sa harapan ko. Lahat ng mga salitang sinabi niyo sakin, sa lahat ng mga sinumbat niyo sakin, at sa lahat ng mga bagay na ginawa niyo sakin, babalik din sa inyo lahat yan.
Lahat ng luha kong iniyak, lahat ng hikbi kong pinilit hindi iparinig, lahat ng hinanakit ko sa mundo ng dahil sa kagagawan niyo, matatapos din `to.
5 years or more from now, hinding hindi niyo na ko makikitang iiyak ng dahil sa kagagawan niyo. Hinding hindi niyo ko makikitang iiyak ng dahil sa inyo.
Tandaan niyo yan. Yan lang.

4.10.2012

Padaan.

Hello? May tao ba? Hahahaha. May nagbabasa pa ba dito? =)) Anyways, padaan lang! Mag-kuwento lang ako ng mga routine ko ngayong bakasyon.
Wala na nga pala kaming banyo. Hanep. San kami naliligo? Wala na. Hindi na ko naliligo. Chos! Hahahaha. =)) May advantage din pala kapag childhood friends ang parents mo, sa katabing bahay lang ang bahay ng mga lola ko (nanay ng Daddy ko).
Sa bahay naman namin... Sakto lang. May pader na! Pero tinatantsa pa kung papalagyan ngayong taon ng taas. Sana kasya sa budget para may taas ang aming bahay.
Ang hirap tumae! Jusko. Kapag madaling araw ka natatae tapos tulog pa yung mga pinsan ko, isipin mo naman kung ano ang gagawin ko! Itutulog ko na lang. Hahahaha. Tangina.
Tapos Harvest Moon na lang maghapon. DS na lang DS walang patumangga. Pano naman, wala din kaming TV. Ayoko naman mag-internet at nakakabuset mag-computer kapag ang background music mo ay nagtitibag ng pader at mga taong gumagawa.
Pero ok na din yun! At least matino na ang bahay namin. Hindi na tutulo ang bahay namin at hindi na ko magagalit sa ulan. Lol. Actually, nung bata ako. Ayoko talaga ng umuulan kasi tumutulo yung bahay namin. Kaya hanggang sa tumanda ako, ayoko ng umuulan. Pero... kapag nagawa yung bahay namin, hindi na ko mabubwisit sa ulan! Yay! =))
Yon. Yan lang ang balita so far sa buhay bakasyon ko. Sa susunod na lang ulit siguro kapag may kwento worthy ang buhay ko.
Hindi naman kasi ako katulad nung ibang tao jan *ehemm*, na walang magawa sa buhay kundi manghimasok at kamuhian ang mga tao sa paligid niya. =)))))))))

4.02.2012

Buhay... Bakasyon.

Putangina lang. Napaka-boring. Yung tipong gigising ka sa umaga tapos maririnig mo na tinitibag yung bahay niyo kaya ang ingay. Kakaen ka. At dahil wala kayong TV (dahil nga ginagawa ang bahay) walang magawa pwera mag-computer. Pero ayoko naman ng mag-internet miya't miya ngayon dahil sawa na ko.
Gusto ko mag-load pero wala akong pang-load. Nawalan pa ko ng limang-daan! Putangina lungs. Tapos miya't miya may mag-uutos sa'yo. Tapos sisigawan ka. Yung tipong may maidiwara lang. Makapagdiwara lang. Tangina men.
Hindi ko kayaaaa. Ayoko ng bakasyon shet. Jusko. Buti na lang dalawang buwan na lang. Kung may isang taon na puro ganito ang gagawin ko, masisira ulo ko. Pwede bang mag-aral na lang at nasa school na lang kahit bakasyon? Mag-summer na lang din ako. :((
Wala ka nang ginagawa sa bahay, wala ka pang pera. Tanginaaaaaa~