Kung babasahin natin yung quote sa taas, at kung iisipin natin, parang ang dali lang di ba? Hahanap ka lang o iisip ka lang ng isang positive thought, positive thing sa buhay mo, tapos okay na. Siguro sa ibang tao, madali nga yon. Pero kasi, hindi mo rin ma-i-a-apply sa lahat yan. Sabi ko nga, pagalingan lang sa pag-dadala yan. Pagalingan sa pag-dadala ng problema. Pero syempre hindi naman lahat magaling. Meron ding hindi marunong mag-dala.
Merong mga tao na sa sobrang galing nila mag-dala, akala mo wala silang problema. Yung kapag nakita mo sila, nakita mo yung mga status nila sa Facebook, yung mga tweets nila sa Twitter, parang wala lang. Sa sobrang positive nila mahahawa ka. Makikita mong tumatawa sila. Makikita mong ang sigla-sigla nila.
Pero sabi nga lahat naman may hangganan.
Minsan, kahit anong galing mo, kahit anong tapang mo, wala pa din. Minsan natatalo ka pa din ng mga iniisip mo. Kahit anong sabi mo sa sarili mo na gusto mo pa din lumaban, na hindi ka susuko, hindi mo magawa. Minsan kasi, tangina, nakakapagod din. Nakakapagod din naman na maging matatag na lang sa lahat ng oras. Minsan iiyak ka na lang talaga. Minsan matatalo ka din.
Kahit anong positive thought ag isipin mo, walang epekto. Para kang unti-unting kinakaen ng mga negative thoughts. Para kang nalulunod, tapos hindi ka marunong lumangoy. Hindi mo kaya pumunta sa ibabaw ng tubig para makahinga ka ulit.
Minsan ma-i-inggit ka na lang talaga sa iba. Kasi parang hindi pa sila nakakaranas ng masakit na experience sa buhay nila. Na parang, itatanong mo na lang sa sarili mo, bakit parang ang unfair naman. Sila masaya, tapos ikaw hindi.
Gustong-gusto mong lumaban, pero pagod ka na. Gusto mo pang sumuntok, pero ubos na yung lakas mo. Gusto mong ipakita na kaya mo pa, pero hindi na talaga. Ayaw mo man sumuko, pero hindi mo na alam kung papano.

No comments:
Post a Comment