9.12.2013

Sir Ang-isms Part 3

Nung Lunes, nung nagka-klase kami sa Physics, nag-"overshare" na naman si Sir (at hindi ko alam kung bakit napunta kami sa topic nato) ng life lessons. Sabi niya, ever since nung teenager siya, kapag kakaen sila sa table kasama ang family niya, lagi siyang binabati ng dad niya at sinasabi sa kanya na mag-diet siya dahil ang taba-taba na niya. That went on for a lot of years at thirty plus years old na daw niya nasabi sa daddy niya na masaya siya sa katawan niya.
Wala daw siyang pakielam sa looks. Like, kapag daw oily yung face niya tapos maghihilamos siya ng face sa office niya tapos walang soap at Joy lang andun, yun na din gagamitin niya. Kasi daw, ikaka-gwapo o ikaka-panget pa daw ba niyang lalo kung gagamit pa siya ng mga cheche bureche na facial wash.
Tapos yung nga daw sa pagkaen. Nasa 40s na daw siya, konti na lang daw itatagal niya sa mundo, tapos yun pa bang pagkain na i-e enjoy niya e hindi masarap. Parang, kailangan mag-enjoy ka kasi kung mamamatay ka, at least namatay kang masaya. Ganun.
Yun nga. Ang lesson na natutunan ko ay yun nga, wag tayo masyadong mag-pundar sa looks. Hindi naman doon nakikita ang pagkatao ng isang tao at hindi rin naman yun ang pinaka-mahalaga (unless mag-bu Beauty Queen ka) at maging masaya tayo sa kung ano tayo. Love your bod, ba. Tanggapin mo yung sarili mo kung ano ka. At lagi mong tatandaan na hindi ka pangit, yung ugali ng mga taong nanglalait sayo ang pangit. :-)

No comments:

Post a Comment