At syempre, wala ka din namang magagawa sa ibang tao kung ayaw nila magmahal sa mga oras na `to. Yung iba, naghihintay ng soulmate nila. Yung iba, nag-dadalawang isip. Yung iba, bawal pa. Yung iba, may certain date at time pa.
Pero sa opinyon ko? Hindi mo na kelangan yun. Maikli lang ang buhay. Tulad ngayun, marami ng sakuna ang nangyayari sa mundo. Eh pano kung bukas, Pilipinas naman ang tatamaan ng tsunami at lindol? Nasubukan mo na bang magmahal? May babaunin ka bang alaala kapag nasa harap mo na si San Pedro? Sows.
Oo, masakit kapag nasaktan ka. Kapag nagmahal ka tapos biglang... *cha-ching!* nasaktan ka. Pero ano naman `di ba? Marami pang tao diyan. Hindi porket you're "broken" na, eh hindi ka na magagawa ulit.
At eto pa, kung mahal mo ang isang tao, sabihin mo. At `wag mong papakinggan ang sasabihn ng ibang tao. Baket? Kasi maraming tao diyan sa tabi-tabi, sa mga kanto-kanto at eski-eskinita, na hindi nila binigyan ng chance yung nararamdaman nila. Bawal? Sows. May bawal ba sa pag-ibig? Walang rules and regulations ang magmahal. `Wag mo ng hintayin dumating yun time na, manghinayang ka. Dahil hindi mo binigyan ng pagkakataon yung nararamdaman mo.
Paano kung siya na pala yun? Yun na pala ang "destiny" at "soulmate" mo? Tapos pinakawalan mo. Kasi takot kang magmahal, takot ka sa sasabihin ng iba, takot ka sa opinyon nila. Eh `di wala na. Pinalagpas mo ang isa sa mga pinaka-mahalagang bagay sa buhay mo.
Pinahiram lang ng Diyos ang buhay mo. Anumang oras pwede kang mag *cha-ching!* at mawala sa mundo. Take risks. Be happy. Live life while you have the strength and power. Be broken and get repaired. Get lost and love again.
"Masaya ang buhay kaya mabuhay ka ng masaya." -- Doraemon
No comments:
Post a Comment