3.21.2011

Ang masasabi ko lang.

Naging masaya naman tayo `di ba? Sa labing-apat na buan nating magkasama, naging masaya ako. Hindi ko kinakaila yun. At nagpapa-salamat ako sa LAHAT. Sa lahat ng ginawa mo para saken. Sa lahat ng sakripisyo. Sa lahat ng binigay mo, material or non-material. Pero siguro, hindi lang talaga tayo para sa isa't isa.

Sa susunod na magiging syota mo, eto lang masasabi ko:

Mabuting boypren si Jorenn. Maalaga, mapagmahal, masunurin. Pero kahit na mahigit na isang taon na kaming magkasama, hindi siya nagmadali katulad ng ibang lalake. We never had sex. Malakas loob ko na sabihin `to, kasi totoo. Napaka-disenteng tao ni Jorenn. At yun naman ang ipagmamalaki ko kay Jorenn, hindi siya malibog. (HAHA.) Hindi siya nagmamadali. Nasa lugar talaga yung pag-mamahal niya.

Ako nga lang siguro yung gago eh, noh? Hindi ko pinakinggan yung paliwanag niya. Pero a picture is worth a thousand words. Kaya paninindigan ko ang paniniwala ko. Choose with no regrets, ika nga ng kaibigan ko. Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. Hindi ako nagsisisi sa pakikipag-break ko. Pero syempre, nanghihinayang ako. Tangina, sino ba hindi manghihinayang sa FOUR HUNDRED AND THIRTY NINE DAYS namen?

Siya tumayong bestfriend ko kapag kelangan ko ng kausap. And he's one of the best. Seryoso. Madami ng sinakripisyong bagay at panahon si Jorenn para sakin.

Eh kaya lang, TANGA ako eh. Putangina ko lang eh, noh? Pinakawalan ko. HAHA. Ganun talaga ang buhay. Hindi ako masokista, at lalong lalo ng hindi ako mapagkumbaba. Pride na lang ang meron ako. Yun na lang ang pinagmamalaki ko.

At sa mga kaibigan mo, eto lang ang masasabi ko:

MAHAL KO SI JORENN. Putangina na lang ang magsasabing hindi. Siya lang lalakeng minahal ko ng ganito. Siya lang ang lalakeng pinakilala ko sa pamilya ko. Siya lang ang lalakeng proud na proud ako. (Kahit na hindi ko sinasabi sa kanya yun.) Kaya kung minura ko man ang kaibigan niyo, putangina. Patawad. Nakaka-putangina lang ho kasi yung sakit na nararamdaman ko.

At para wala ng away, tapusin na natin `to. Hindi na tayo magkikita-kita next school year. Let's live our lives the way we should. /chos

Maraming salamat, paalam.

2 comments:

  1. Nanghihinayang talaga ako Tiny. :( Kahit ako'y nalulungkot. :| Hmmm... Pero I wish you all the best sa decision mo. :)

    ReplyDelete
  2. Ok na yun Peyt. Kung kami talaga, kami talaga. :') Mmmmmmmmmmmm! Alabyoo Peyt. :')

    ReplyDelete