- Happy fiesta kila Switzel! (January 10)
- 2nd year anniversary | Karate Kid (January 16)
- Kjwan sa Cabanatuan (January 30)
- Ladies Dorm Open House | CLSU (Feb 12)
- 25th Monthsary | CLSU food cart & tuhog-tuhog (Feb. 16)
- MOA with Family (Feb. 26)
- Giniba ang bahay namin dahil papagawa kami ng bago (March 14)
- Biglang gala/libot kasama si Dags | The Avengers (April 27)
- The Avengers with Jorenn (May 7)
- Mother's Day! | (May 13)
- First time ko magpa-gupit sa salon (May 21)
- Baguio Weekend Getaway (May 19-20)
- Slapshock in Cabanatuan (July 31)
- 18th birthday (August 6)
- First package bought online via Zalora (Aug 7)
- Brithday AJ and meet-up with Dags (Aug 12)
- Surprised by high school friends (Aug 13)
- Peyt's 18th birthday celebration with high school friends (August 27)
- Registered voter (October 6)
- Release of first sem grades (October 22)
- Gala with high friends (October 24)
- Nanalo ng DTC Ego | Taragis.com (October 31)
- Lamarang + inom (November 9)
- Nerisse's birthday (December 15)
- Swimming with HS Band (December 19)
- Epic fail yung mga pausong nagsabing katapusan na ng mundo (December 21)
- Birthday Papa + inom with cousins (December 22)
- Merry Christmas! (December 25)
12.31.2012
The best of 2012
12.29.2012
Mga natutunan ko ngayong 2012
- Hindi ka nagkamali, natuto ka lang
- Walang lugi pagdating sa pag-ibig. Naks.
- Maging proud ka sa sarili mo
- Matuto kang magpa-kumbaba
- Matuto kang magpasalamat
- Iwasan ang mag-reklamo, hindi lang ikaw ang may mahirap na pinagdaraanan
- Hindi hawak ng tao ang oras niya sa mundo
- Lahat ng tao nagbabago
- Walang masama sa pagbabago
- Wag kang susuko
- Walang makakasira ng araw mo kung hindi mo sila papayagan na gawin yon
- Hindi tinatakbuhan ang problema, hinahanapan ng solusyon
- Kung ayaw mong pasukan ang prof mo, wag ka pumasok
- Wag mong intindihin ang buhay ng iba, may sarili kang buhay
- Wag mong sisihin ang ibang tao sa katangahan na ginawa mo
- Wag kang immature. Matanda ka na. Duh.
- Matutong rumespeto kahit pikang-pika ka na sa nakatatanda sa'yo. Balang araw tatanda ka rin at mararanasan mo yon
- Ang nakaraan ay nakaraan. Pwedeng tingnan, pero hindi pwedeng balikan.
- Kung gagawa ka ng kagaguhan, wag na wag mong pagsisisihan
- Walang masama sa pagmumura kapag pikon na pikon ka na
- Tumawa ka. Tawanan ang problema.
- Pera lang yan
- Wag kang mag-assume na mataas ang grade mo, may mga teacher na nanghuhula lang
- Kahit hirap na hirap ka na, kahit bagot na bagot ka na, mag-aral ka. Isipin mong milyon-milyong kabataan ang gustong pumalit sa kinalalagyan mo.
- Maswerte ka.
- Tao tayo. Nagkakamali
- Walang masama sa di-pagsunod kapag ayaw mo. Hindi nila hawak ang desisyon at gusto mo
- Kaya ka nadi-disappoint ay dahil mataas ang expectations mo. Babaan.
- Wag puro satsat. Simulan mo na ang mga bagay na gagawin mo. Wag bukas, sa isang araw, kundi ngayon.
- Habang may buhay, may pag-asa
- Wag na wag kang titigil mangarap. Libre lang yon.
- Taasan mo ang pangarap mo. Libre lang yon.
- Kapag sinimangutan ka ng saleslady o ng cashier, wag ka muna magagalit. Isipin mo na lang maghapon na sila nagtatrabaho at pagod at gutom na sila. Mahirap ngumiti.
- Matuto kang tanggapin ang mga dapat tanggapin.
- Manalig ka sa Diyos. Siya lang ang makapagliligtas sa'yo.
- Iwasan magalit. Nakakapangit.
- Wag pansinin ang mga nagpapa-pansin. Weakness nila yon
- Stand by your opinion. Kahit lahat sila magkaka-mukha, hayaan mo sila. Mas masaya mangontra sa nakararami.
- Maging masaya ka
- Masaya ang buhay, kaya mabuhay ka ng masaya
- Kapag may problema ka, andiyan naman si Batman
- Magpasalamat sa Diyos
- Makuntento sa kung anong meron ka
- Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. Suklian mo ng kabutihan ang kawalangyahan nila. Walang mawawala sayo.
- Kapag suyang-suya ka na, mag-mura ka at sasaya ka! Apir!
12.28.2012
Friends and family. ❤
This month (and also this whole year) I learned that despite how sad and depressed we are, when we're in the presence of our friends and family, every problem will just melt into happiness.
So I just want to share how thankful I am to have all of you in my life. Kahit hindi niyo alam na may problema ako, at kahit di ko sabihin, makasama at makausap ko lang kayo (sa phone man yan o online), nawawala na lahat.
Let's all welcome the new year with love and happiness and of course, gratitude to the Lord above. Without Him, we are all nothing. Thank you Lord, for a year full of blessings. Kahit minsan sobrang kapos na kapos, okay lang kasi kasama ko naman ang pamilya ko. Thank you po. Sana po lagi niyong gabayan at bigyan ng long life at good health ang mga loved ones ko, especially po si Kuya. Thank you. ❤

December 24 & 25, 2012. Merry Christmas folks!
The day before (December 24), tinapos ko na ang cooking duties ko. Ang mga pinrepare ko ay macaroni salad, buko pandan, crema de puta, carbonara, at buffalo wings. At nung natapos ko na yun before 3pm, naligo na ko at gumayak para pumuntang Pacific kasama si Jorenn.
Actually new pants lang naman talaga ang dapat na bibilin ko, pero nakabili na din ako ng bagong loafers at bagong damit (bought online). Pero di ko rin naman sinuot nung Pasko. Hahaha.
Ayun, nag-Noche Buena kami at natulog na. Pag-gising ko, nagpakain at nagbigay ng aginaldo sa mga batang pupunta.
May nag-bebenta din na Koreano samin ng iPhone4s. Ekang ganon, 8k daw niya binebenta. Tapos sabi ng mga pinsan ko wala daw silang pera. Tapos sabi niya 4k na lang daw. Akala ni gago, bobo ako kaya lumabas ako ng bahay nung bibilin na ng pinsan ko.
Tiny: Teka teka. Check muna natin kung totoo nga yan.
(Lumapit yung Koreano tapos pinakita sakin yung license)
Tiny: Aba, kahit may license yan di ibig sabihin totoo. Teka, kukunin ko laptop ko.
(Pumasok tapos lumabas naa hawak yung laptop)
Tiny: Kapag eto naka-kopya ng file, alam na.
(Tapos kumo-kontra yung Koreano)
Tiny: Aba, sa iPad ganon eh, ala nga naman naiiba sa iPhone? Di porket wala kami iPhone di na namin alam yon. Birahin kita eh.
(Tapos tinesting ko na)
Tiny: Ayan, na-kopya yung kanta. Peke yan.
Si gago inirapan ako sabay layas. HAHAHAHAHA.
After nun, chineck ko yung phone ko. Pinapapunta pala kami ng tita ko sa Cecilia. Pumunta naman kami don, at naka-aginaldo pa! Sarap! Hahaha =)) Tapos nag-aya din uminom si Paypee (na first time ata nangyari sa buong buhay niya) dahil nagba-barbeque ng ribs si Papa. Bumili kami nila AJ sa 7-eleven ng Tanduay Ice at San Mig Light. Eh nag-aya sa likod ng Innova (na nakataas ang upuan at the moment) kaya nag-over the bakod kaming dalawa. Nung umandar na, pa-gewang gewang kaming dalawa kaya kami tawa ng tawa. Tapos kung ano ano sinasabi. Hahahaha. Nung pag-uwi namin, naglaro si AJ sa labas at ako yung tinatawag. Gang sa pumunta sa loob para kunin yung mic ng videoke tapos kunwari kumakanta. Hahahaha.
Gabi na din kami umuwi. Thank you for the gifts Paypee & Ate Abie, Kuya Jay & Ate Gina, and Tita Marie!
Belated merry Christmas everyone! I hope you had a wonderful celebration of Jesus' birth!

December 22, 2012
3 days before Christmas! Umuwi si Papa (tito) galing Saudi last December 20 at birthday niya ngayong 22. Sa sobra daming tao nung party, tumambay na lang kami sa kabilang bahay (na bahay din naman ng isa kong tita) at nag-bidahan kasama ang mga pinsans. Hanggang sa magka-inipan na. Tapos nagka-yayaan uminom. Na ako ang promotor. Hahaha. Lolol.
Ayun, nag-inuman kami. Tapos may contest pa na kung sino maka-100 sa videoke, magkaka-500 pesos. Daming nakakuha. Kung walang masyadong tao, kingina kakanta ako ng walang patumangga gang maka-100 ako! =))
Mga ala una na kami ng madaling araw naka-uwi. Mediyo di pa ko hilo, antok lang. Kaya naglaro muna ako ng Diablo 2 sa laptop. Tapos nung antok na antok na ko, natulog na ko.
Sometime (chos) in the night, bigla na lang ako nangati. As in SOBRANG kati. Na para kang pinapatay na kati. At dun ko nalaman na allergic pala ako sa alak, at yun ang dahilan kung bakit ako nangati noon (remember my post?) na akala ko ay dahil sa sandamakmak na pusit kong kinaen, pero hindi naman pala.
Hahahaha! Yun lang. =)) Wala lang. Sobrang nag-enjoy lang kami, kahit na madaming problema, kapag Pasko masarap na magpakasaya na lang muna. Kahit naputol na ang internet, hindi hadlang yon para hindi ka maging masaya. HAHAHAHA! =))

Subscribe to:
Posts (Atom)