5.07.2011
Mga bagay sa buhay ko.
1. Santa Notebook - Ok. It's my doodle and write-my-thoughts-down-notebook. Andiyan lahat ng mga kung ano-ano. Mga nonsense, may sense, yung mga nasa isip ko. Basta sulatan ko.
2. My 2010 Diary - My favorite diary and it's all about my relationship with Jorenn for the past year. Kapag gusto ko mag-reminisce ng good times, I always read it.
3. Jorenn - My baboy stuffed toy. An anniversary gift from Jorenn. Kapag malungkot ako, kinakausap ko siya. De joke lang. Siya iniiyakan ko kapag malungkot ako. Kayakap ko kapag kinikilig ako. Mga ganun.
4. My 2011 Planner/Diary - Bought it for this year. Gagamitin ko for my first year in college.
5. The "Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron!" Slumbook Tanso Edition - bought it with Dags. Gift namin for each other for Graduation.
6. My wallet - Gift from my friends for my birthday nung third year kame. Lagyanan ng pera, resibo, mga anik-anik. Basta pera. Wallet nga eh.
7. My mini payong-on-the-go - Sa sobrang liit niya pwede mo siyang ilagay sa wallet mo. De, joke lang. Cute niya lang. Liit eh. Parehas kami. Cute, hindi maliit. Hehe. Para sa mainit na panahon. Pwede din kung umuulan. Pwede din yan sa snow.
8. Phone charger - Siyempre, pano gagana ang pepoms ko kung wala `yan.
9. I.D. - Nalaman kong kapag tumatanda ka na (Oo, aaminin kong tumatanda na ko.), kailangan mo ng identification-on-the-go.
10. My Violet Pilot ball point pen - Ayoko ng sign pen, bumabakat sa likod ng papel. Yan din ang pinaka matagal kong ballpen sa apat na taon ko sa highschool. 3 months sa high school, since January. Yan din yung pinaka matagal na Pilot na nagtagal saken. Hehe.
11. My Philips GoGear Mix - Importante musika sa buhay ko. Kapag trip kong magalit sa mundo, ayan ang kasama ko. Minsan sasabay sa pagkanta at hindi ko na-rerealize na naririnig na pala ko sa kapitbahay. De, seryoso lang.
12. Envelope - Lagyanan ng mga importanteng dokumento sa buhay ko. Mga resibo sa school, mga school papers, mga ganun.
13. Samsung Star - Ayan ang phone-slash-book-slash-camera-slash-videocam-slash-storage-slash-diary-slash-calendar-slash-computer-slash-gaming console-slash-slash-slash-slash... slash...
14. Sunblock - Oo, maarter ako. Now you know. K. De joke lang. Init kasi ng panahon. Mainam ng gamitin ngayon, kesa sa tag-ulan, hano?
15. Hello Kitty Compact Mirror - `Wag ka. Kinder pa ko nung iniyakan ko yan sa Mommy ko at ibili ako. Dalawang klase yan, yung isa Tweety. Ayoko kasi si Tweety, bading. So yun. Mahalaga sa buhay ko yan kasi syempre, maraming nang-hihiram.
Yon. Ala lang. Trip ko lang mag-kwento. Hehehe.
5.06.2011
WTF IS HAPPENING?!
![]() |
You will never marry anyone else. You’re mine I wanted to be. I wanted it so badly but… not anymore |
(Source: iheartwaldorf)
---
No, seriously. WTF GG PEOPLE?!
Poor, poor Chuck. It's breaking my shipper heart. :(
5.05.2011
I reached something.
Dumating na yung buhay ko sa point na, alam ko na kung ano yung gagawin ko sa buhay ko. Alam ko na kung sino yung mga taong andiyan. Yung mga taong totoo at hindi ka iiwan. Alam ko na kung ano yung mga bagay na dapat ko ng kalimutan at ibaon sa nakaraan. Nalaman ko na kung ano yung mga alaalang babaunin ko pag-tanda ko. Nalaman kong, hindi mahalaga sa buhay ng tao ang maraming taong nakapaligid sa'yo. Nalaman kong tama na ang konting tao na mahalaga sa'yo, at mahalaga ka rin sa kanila hanggang pagtanda mo.
Naisip ko din na hindi mahalaga ang pera. Hindi mahalaga ang mga mamahaling bagay. Naisip kong, bago ako bumili ng mga luho ko, mas gugustuhin kong pag-hirapan ko lahat `yon. Naisip kong, tama na ang mahigit sampung taon paghihirap ng mga magulang ko. Ayoko ng makita silang sumasakit ang ulo, lalo na sa mga kapatid ko.
Natutunan kong `wag pansinin ang mga taong sadyang nagpapa-pansin at insecure. Natutunan kong maging masaya sa kung ano ang meron ako at kung sino ang mga kasama ko. Natutunan kong tanggapin kung sino ako at hindi matakot kung ano sasabihin ng iba. Natutunan kong `wag pansinin ang sasabihin ng iba at ipagpatuloy lang ang buhay ko.
Masaya ang buhay, kaya mabuhay ka ng masaya. Kung may sinasabi ang iba tungkol sa'yo, hayaan mo sila. Dahil patunay lang `yon na mas angat ka sa kanila. Patunay lang `yon na may mga bagay sa'yo na gusto nila.
At `wag mong hahayaan ang mga problema sa buhay mo na maging hadlang para sa isang buhay na masaya. Dahil kung nagkaka-problema ka, ibig sabihin may dadating na mga panahong masaya. Dahil kahit kailan, hindi ka papabayaan ng nasa taas.
Kung sa palagay mo, gusto mo ng bumitaw dahil sa mga tao at problemang nampu-putangina ng buhay mo, lagi mong tatandaan na pinlano Niya lahat ng `yan bago ka pa mabuhay. At hinding hindi ka niya hahayaan mapahamak at mapasama.
Subscribe to:
Posts (Atom)



























