4.15.2014

Moving On

Mag-move on ka na! Wag mo na siya ng antayin bumalik sa'yo! Sumuko na siya eh! Sinukuan ka niya. Mahal mo siya, gago siya. Isang araw ka lang malungkot o umiyak or kung ano man ginagawa ng isang babae kapag nakipag-break. Sa susunod, anger na agad! CHOS. Hahaha. Pero kasi di ba, gustong-gusto mong ipaglaban eh. Tapos siya, wala lang? Suko agad. Tinalikuran ka na parang kantang pinag-sawaan. Kapag may lumabas na bagong single, move on agad? NAKO HA. Di mo deserve!
Ako po ay naniniwalang dapat ang mga boyfriend ay takot na mawala ka. Hindi yung purong babae na lang. Ano ba nawawala sa lalake kapag pumapasok kayo sa relationship? WALA. Yung mga babae, yung iba jan bawal pa mag-jowa pero sinagot ka pa din kasi mahal ka! Kahit malilintikan yan sa nanay o tatay niyan, push lang! Tapos kahit mahirap mag-mahal ulet, kahit mahirap mag-tiwala ulit, nag-tiwala pa din siya sa'yo. TAPOS AAYAW KA LANG NA PARANG WALA LANG?! ANO TO INTERNET CAFE KAPAG TAPOS NA ANG ONE HOUR, AT KAPAG AYAW NA MAG-EXTEND GANON NA LANG?!!! Nako ha.
Alam ko naman na may mga relationships na mabilisan lang talaga. Mga flings ganon. Pero ako kasi, hindi ako naniniwala sa temporary love. Pero sa tingin ko naman, karamihan sa mga babae e hindi rin naniniwala don. As mush as possible, gusto namin na pang-matagalan na. Pwera na lang siguro kung gusto mo papalit-palit ng boyfriend? Haha. Anyway, sabi ko nga siguro karamihan sa babae gusto yung matagal na relationship. Yung monthsary niyo magiging anniversary, ganon! Pero yun nga.
Moving on, gusto ko lang sabihin na mag-move on ka na. Sayang ang beauty! Wag mag-settle sa isa. Hayaan mo siya sa bagong girlfriend niya o sa mga "mas" importanteng priorities nya! Marami pa jan. Dadating din yung time na makakakita ka ng lalakeng tatratuhin ka na maganda. Gentleman. Pwedeng badboy pero sa inside sweet siya (o mag isip ka na ng gusto mong artista o book boyfriend). Kung wala pa, wag mong palungkutin sarili mo. Smile. Magpa-ganda. Hindi siya kawalan. Wag mo sayangin ang luha mo. Tama na ang pag-asa sa mga pangakong hindi naman natutupad. Tama na ang disappointments twing may excuses siya. Dapat strong! Fierce! Independent!!! GIRL POWER!!!
Hahahahaha. CHAROT.
Pero yun nga. Move on. Tapos kung sakali man na makakita ka na ng bago, matuto ka sa mga lessons sa past relationship mo. Wag mo ibigay lahat. Magtira ka para sa sarili mo at lagi mong tatandaan, GIRL POWER. Hindi dapat ikaw ang takot na mawala siya, dapat it's the other way around. Sa kanila, walang nawawala. Sa totoo lang. Hahahaha (sorry guys masyado akong racist... tama ba? ano ba tawag kapag bias sa isang gender? hahaha) Ayun nga. Magtira para sa sarili. Ang mga lalake dapat ang takot na mawala ang babae! GIRL POWER!!! HAHAHAHA. Mahalin mo sila, pero syempre iisipin mo din naman na pwedeng hindi rin naman kayo magkakatuluyan sa future. Kaya wag ka takot na mawala siya, kasi meron at merong tao para sa'yo. Nagkakataon lang na may mga tao talaga na nauuna nang nakikita ang prince charming nila. Pero wag ka mag-alala, dahil makikita mo din siya. :)
P.S. Hindi ko nilalahat ang mga lalake. :)

Breakups

Bakit yung ibang lalake? Kapag nag-break sila ng girlfriend niya. Wala lang. Napaisip lang ako. Wala man lang, effort para makipag-balikan? Wala man lang effort para ayusin? Parang, kapag sinabi ng girlfriend nila na ayaw na, sila naman e okay lang. Hindi naman sa pag-ja judge, pero ayon lang naman sa nakikita ko sa Twitter at Facebook. (P.S. Syempre, bilang isang romantic, meron talaga akong mga peg na couples. Haha! Tapos pag nag-be break na sila, ini-stalk ko sila sa Facebook at Twitter. Wala lang. Chismosa lang! Lol.)
So ayon sa mga research ko sa mga couples na ka-be break lang, nagulat ako na wala man lang epekto sa mga lalake ang nangyari sa kanila. Kaloka! Hahahaha.
Aminado naman ako na lahat ng relationship e nag-dadaan sa mga pag-subok (naks), at aminado din naman ako na iba-iba ang lalake. Pero kasi kapag nag-aaway kami ni Jorenn (actually, ako lang ang nang-aaway heh heh), pinapakita niya talaga na ayaw niyang mawala ako. Tapos syempre nakikita ko din naman sa ibang relationship na ganun din yung mga lalake.
KAYA LANG BAKIT KAYO HINDI?!
Hahahaha. Oo, kayo, dahil more than one sila. Hahaha!!! Pero balik na tayo ulit sa usapan...
Ang mga babae, matagal ang attachment niyan. Pwera na lang kung *cough* malandi *cough* ka. Matagal ang attachment ng mga babae! Kahit tatlong buwan na kayong break at nalagpasan na niya ang 3-month-rule, affected pa din yan at nasasaktan pa din yan kahit break na kayo.
Ang insensitive niyo lang. Parang wala lang ganon? Nakikipag-tweet na agad sa ibang babae? Nanliligaw na agad sa iba? Tangina. Akala ko kasi dati sa babae lang ina-apply ang pagka-landi, pwede rin pala sa lalake! Kaloka.
Tapos eto namang isa nakita ko, para kasing naging LDR sila. So parang naging busy si guy. Nag-iba ang priorities. Ganon. Shet! Nalayo ka lang ng ilang oras sa girlfriend mo, nag-iba na agad priorities mo sa buhay?!! Hindi ko sinasabi na hindi mahalaga ang studies, ang work, o kung ano man. Pero kung hindi mo kayang panindigan ang pagmamahal mo sa isang tao, sana e hindi ka na lang nag-girlfriend, gago!
Parang wala lang eh. Nakakasira ba sa pagka-lalake na ipakita na kahit 10% man lang e affected sila? Grabe.
Syempre hindi ko naman lugar na i-judge kayo, pero ija-judge ko pa din kayo (haha). Sana naman iparamdam niyo na kahit pano e nanghihinayang kayo, na masakit din sa part niyo na nasaktan niyo sila, na apektado din kayo. Masyado niyo naman i-take for granted ang pagmamahal na binigay (o binibigay) sa inyo. :)

"Look for something positive in each day, even if some days you have to look a little harder."

Kung babasahin natin yung quote sa taas, at kung iisipin natin, parang ang dali lang di ba? Hahanap ka lang o iisip ka lang ng isang positive thought, positive thing sa buhay mo, tapos okay na. Siguro sa ibang tao, madali nga yon. Pero kasi, hindi mo rin ma-i-a-apply sa lahat yan. Sabi ko nga, pagalingan lang sa pag-dadala yan. Pagalingan sa pag-dadala ng problema. Pero syempre hindi naman lahat magaling. Meron ding hindi marunong mag-dala.
Merong mga tao na sa sobrang galing nila mag-dala, akala mo wala silang problema. Yung kapag nakita mo sila, nakita mo yung mga status nila sa Facebook, yung mga tweets nila sa Twitter, parang wala lang. Sa sobrang positive nila mahahawa ka. Makikita mong tumatawa sila. Makikita mong ang sigla-sigla nila.
Pero sabi nga lahat naman may hangganan.
Minsan, kahit anong galing mo, kahit anong tapang mo, wala pa din. Minsan natatalo ka pa din ng mga iniisip mo. Kahit anong sabi mo sa sarili mo na gusto mo pa din lumaban, na hindi ka susuko, hindi mo magawa. Minsan kasi, tangina, nakakapagod din. Nakakapagod din naman na maging matatag na lang sa lahat ng oras. Minsan iiyak ka na lang talaga. Minsan matatalo ka din.
Kahit anong positive thought ag isipin mo, walang epekto. Para kang unti-unting kinakaen ng mga negative thoughts. Para kang nalulunod, tapos hindi ka marunong lumangoy. Hindi mo kaya pumunta sa ibabaw ng tubig para makahinga ka ulit.
Minsan ma-i-inggit ka na lang talaga sa iba. Kasi parang hindi pa sila nakakaranas ng masakit na experience sa buhay nila. Na parang, itatanong mo na lang sa sarili mo, bakit parang ang unfair naman. Sila masaya, tapos ikaw hindi.
Gustong-gusto mong lumaban, pero pagod ka na. Gusto mo pang sumuntok, pero ubos na yung lakas mo. Gusto mong ipakita na kaya mo pa, pero hindi na talaga. Ayaw mo man sumuko, pero hindi mo na alam kung papano.