8.24.2013

Maturity

A year ago, kung tatanungin kita kung sino si Tiny at sasabihin mo sakin na isang masipag na estudyante, hindi rin ako maniniwala. Seryoso. Ako sa sarili ko alam kong hindi ako masipag. Kung sasabihin mo sakin na hindi nag- i skip si Tiny, hindi rin ako maniniwala. Tatawanan lang kita.
Pero ngayon? Para kong nabangag sa pader pag iniisip ko kung gano kalaki ang pinagbago ko. Iisipin mo ba na perfect attendance (so far) ako ngayong sem? Na lahat ng requirements ko for midterms nai-pass ko on time? Na wala akong teacher na mediyo tagilid ako? Hindi ko din maiisip yon. Pero totoo.
Siguro nga maturity ang tawag don. Talagang nag-shift yung ayos ng priorities ko sa buhay. Alam ko din na hindi na ko makakakuha ng latin honors, dahil dinrop ako ng nstp 2 ko, pero hindi yun naging dahilan para sabihin kong ayoko na. Na hindi ko na pagbubutihin dahil lang hindi ako makakuha ng recognition sa dulo. Eh ano naman. Basta ang mahalaga sakin, naipapakita ko yung best ko sa lahat ng ginagawa ko.
Yung teacher ko last year, sabi samin ni Jorenn, nagbago na raw kami. Na-gets ko yung sinabi niya, kahit masakit tanggapin nung una. Totoo naman eh. Nung first year kami? Wala atang lilipas na linggo na hindi kami a-absent ni Jorenn. Yung tipong magka-yayaan lang, hindi na agad papasok. Pero ngayon? Ako pa galit pag-nag-aaya sila um-absent. Malaki talaga ang nagbago.
Siguro nga tumanda kasi. 19 na ko. Tangina next year nga hindi na ko teenager eh. Tapos isip bata pa rin ako? Ang panget naman dun diba? Habang buhay na lang bang pa-easy easy sa buhay? Aba'y mag-seryoso naman. Ganun talaga. Hindi pwedeng habangbuhay kang bata at habangbuhay kang maglalaro. Kailangan mo rin tumanda at harapin ang totoong hamon ng buhay.
Next year nga fourth year na yung mga ka-batch ko nung high school. Ga-graduate na sila ng college. Baka nga yung iba nag-i intern na ngayon eh. Parang kailan lang nung grumaduate kami.
Oo medyo naiinis ako sa sarili ko, nanghihinayang sa mga pagkakataong pinalagpas ko, pero wala naman na din akong magagawa. Anjan na yan eh. Ganun talaga. Minsan win-win situation, minsan hindi.
Ayus lang. Dahil sa mga pagkakataong pinalagpas ko, nakakita din ako ng mga pagkakataong mas bagay para sakin. Hindi ko sinasabi na hindi ko minahal ang BS Bio. Dati kapag nakikita ko yung mga ka-batch ko, mga ka-dorm ko sa CLSU, nanghihinayang ako. Pero ngayon? Hindi na. Wala ng bitterness, wala ng regrets. Masaya na ko sa kung nasaan ako ngayon. Oo mediyo late ng isang taon, pero ayos lang. Ganun talaga.
Sa lahat ng mga kapwa estudyante ko na nawala sa landas nung una, na mediyo nalito kung ano ang gusto nila sa buhay pero unti-unting nakita ang tamang daan, gusto ko lang sabihin sa inyo na kahit hindi natin sila kasabay umakyat sa stage, aabot din tayo sa punto na yon at kaya natin to.
Thank you po Lord. Alam kong kayo nag-guide sakin dito. Sa contentment. Sa happiness. Maraming maraming salamat po.
At dahil sa post nato, feel ko ang tanda tanda ko na. HAHAHAHA

No comments:

Post a Comment