7.21.2013

Wala lang

Hello dear blog, matagal tagal  na din akong hindi nakakapag-kwento and I've been posting nonsense blog challenges just to have something to blog for a while now... The reason?
SCHOOL. Sobrang demanding ngayong semster ng mga gawain sa school and EVERY DAY I always have something to work on or to pass the next day immediately so it's really impossible for me to do all the things that I've been doing last summer like reading, watching tv series, and surfing the net all day long. Sigh. I'm not complaining though because it's been fun too. :)
My sophomore year is so far so good and I'm hoping that it will be up to the end of both semesters!

Bad vibes:
  • P.I. Gaaah. Sobrang bad vibes ng PI at sobrang daming gawain na dinaig pa ang major subjects ko. Gaaah. What's even more frustrating is that I already took this subject when I was in CLSU. Hindi naman sa boring yung buhay ni Rizal (because it's not) pero yung teacher ko talaga huhu. Mag-o August na pero wala pa siyang na di discuss tapos sobrang dami na naming gagawin!
    - I LECTURE ANG BUONG LIBRO IN CASE DAW MAWALA BOOK NAMIN
    - 50 LIHIM NI RIZAL HARD BOOK BIND
    - POWER POINT NG BUONG LIBRO IN CASE DAW MAWALA NOTEBOOK NAMIN
    - ROLE PLAY
    - ANTIQUE NA GAMIT NA IPA-PASS
    - FILM VIEWING PLUS REACTION PAPER
    Hindi naman sa reklamador ako pero hindi lang eto yung subject namin. Sobrang nakakapikon lang.
Okay, yun lang pala bad vibes ko ngayon sem. Haha! Now on to the good ones!

Good vibes:
  • PHYSICS! Although mediyo napa-facepalm ako sa huling quiz namin dahil nakalimutan ko gamitin yung conversion table sa test at sa book ginamit ko kaya magkaiba yung sagot namin ng prof ko (yung mga decimal lang) tapos perfect ko sana. Gaaah.
    Pero sobrang saya nang Physics namin and my prof is so adorable and witty! Hindi siya mabait, may pagka masungit din na side, pero mabait. Basta! Hahahaha. Hindi yung mabait na as in parang kabarkada mo yung prof mo pero mabait na di mo makakalimutang prof siya at student ka lang.
  • ACCOUNTING. Actually ayoko ng Acctng nung una kasi nga mediyo may past ako sa teacher ko. Hehehe. Pero since nung nag-quiz kami at naka-197/200 ako, good vibes na at chaka parang di na sakin galit yung teacher ko. Haha. Dati kasi di niya ko tatawagin pag recitation tapos pag wala ng sasagot tapos ako na lang magta-taas ng kamay, sasagutin na niya yung tanong niya wag lang niya ko matawag. Hahaha. Sana sa susunod na meeting di na talaga ganun.
  • ITP 01. Java programming!!! Ang masaya sa Java, hindi lang kami gumagawa ng program sa cmd pero meron din sa GUI! :)
Sana maging maayos pa ang the rest of the semester pero ngayon Univ Meet muna kaya ito ay ilalaan para sa pag gawa ng mga requirements sa P.I. P.I. talaga! HAHAHAHAHA. Bye muna. :)

No comments:

Post a Comment