Nung isang araw kasi naisip ko kasi yung sa pagpapaaral ng isang mahirap na pamilya sa high school.
Sabihin na natin na sa isang pamilyang Pilipino na mahirap, 3 hanggang 5 ang anak nito. At sabihin na natin na lahat ng ito high school na.
Kapag nag-enroll ka sa isang high school na pampubliko sabihin na natin na ang pinaka-maliit na binabayaran para makapasok ka ay 500.
500. Sa isang pamilya na lima ang anak, kapag in-enroll niya ang mga anak niya, kailangan niya ng 2500.
Sa isang taong mahirap na wala pang limang libo ang sweldo kada buwan, sa tingin niyo ba gugustuhin niya pang i-enroll ang mga anak niya?
Osige, sabihin na natin na dalawa sa mga anak niya in-enroll niya. 1000.
Pasukan. Baon. Pamasahe na nga lang eh, kahit wala nang pangkain. Sabihin na nating 30. Kung sobrang hirap maglalakad pa.
Okay na diba? Dalawang bata na ang bumawas sa mga out-of-school ng Pilipinas. Ayos.
Pumasok na sa eskwela. Sampo ang subject.
Ang isa sa mga nagpa-pintig ng tenga ko ay, sampong subject na yon ay may libro na dapat bilhin.
Pwede naman daw palang hindi bumili, sabi ni ma'am. Kaya lang daw, wala ka lang project. Ayos. Blackmailing at its best noh. May choice pero wala naman talaga dahil lahat naman ng estudyante gusto pumasa. Illusion lang pala yung "choice" na binibigay sa mga estudyante.
O sabihin na natin na 100 kada libro. Edi 1000 na yon. Joke pa yang 100 dahil wala nang 100 na libro ngayon. Kung lima anak mo edi kailangan mo ng 5000 para sa libro at 2500 para sa enrollment fee. Wala pang sapatos at notebook at papel at ballpen yan. At wala pang baon yan. Dahil naglalakad na lang nga diba? Kahit na 90% ng school year e tag-ulan.
Kahit nga yung taong matino ang trabaho gigipitin pa din. Yung mga 8000 ang sweldo kada buwan? Kapos pa din. Dahil hindi lang naman yan ang binabayaran ng isang pamilya. Anjan pa ang kuryente, tubig, at pagkain.
Ano ba ang punto ko? Sana naman mag-malasakit kayo sa mga mahihirap. Sana wala nang enrollment fee sa mga pampublikong paaralan. NAPAKALAKI NG PORK BARREL AT PONDO NG PILIPINAS. Saan na pupunta? Sa mga daan na matino tapos sinisira tapos ipapagawa ulit? Sa mga sasakyan ng mga mambabatas? Sa mga sweldo nila?
Bigyan naman sana ng gobyerno ng sapat na atensyon ang edukasyon ng mga kabataan! Nakaka-alarma na ang dami ng out-of-school youth ng Pilipinas. Nakakaiyak na.
Yung iba dahil wala sila sa paaralan, kung ano-ano na ang ginagawa nila. Nag-ra rugby, nag-i snatcher, naghihingi sa daan. mga pulubi. HINDI BA KAYO NAAAWA?! Na ganon ang kalagayan ng mga kabataan na dapat ay nag-aaral sa paaralan at natututo at nag-sasaya?
Yan kasi ang problema sa mga mambababatas eh. Sinasabi lang nila na may malasakit sila sa mga mahihirap pero wala naman talaga.
Ang gusto niyo kasi habangbuhay silang mga mangmang. Gusto niyo habangbuhay niyo sila kayang i-under. Habangbuhay niyong binibili ang mga boto nila at inuuto para maluklok parin kayo sa mga pwesto niyo.
Edukasyon na lang ang tanging maitutulong niyo sa kanila, hindi niyo ba maibigay. Kung bibigyan niyo sila ng pundasyon para maitigil ang pagtulong niyo sa kanila, bakit di niyo gawin?
Kung ganyan kayo, habangbuhay lang din ganito ang Pinas. Kailan pa tayo aahon?