Isang araw nung March, siguro mga two weeks before April, ang binili nilang ulam ay tinumis (o dinuguan) basta yon! Eh ayoko non. Kaya hindi ako kumaen maghapon. Tuesday yon. Tapos sabi ko, kaya ko palang di kumaen ng rice maghapon at mabubuhay pala ko kahit skyflakes lang hahaha. Kaya ayun, kaya nag-start na bale yung diet ko (ng hindi sinasadya) tapos nag-tuloy tuloy lang.
Hindi ako nag-sukat ng timbang, pero tantsa ko nasa mga 57 o 58 siguro ako. Nung pasukan kasi nung June, nung nagpa-medical kami, 55 kilos ako. Eh ang laki ng tinaba ko, kaya yun ang tantsa ko. Tapos nung nakaka-isang linggo na ko ng diet, pumunta ko Good Sam kasi na-ospital yung tita ko. Wednesday yun, day after ng one week ng diet ko. Eh diba merong mga timabangan dun? Nag-timbang ako. 54 kilos na lang. Hahahahaha. Shet yung tuwa ko di ko maipinta eh. Hahaha
Kapag tinatanong ako kung gusto ko kumaen, sinasabi ko diet ako. Akala ko nga pagtatawanan ako, pero hindi. Pag sinasabi ko dito sa bahay ko na diet ako, hindi ako pinagtatawanan nila mommy at dikong. Nung sinabi ko din sa mga tita at pinsan ko, hindi din sila natawa. Kaya sabi ko, wala naman palang "nakakatawa" sa pagda-diet.
Tapos nung Wednesday, inaya din ako ni mommy mag-lakad everyday sa palengke para makatipid kami sa pamasahe, tapos na-e excercise pa kaming dalawa. Bali nakaka-four days na kami.
Kaya ayun, Sunday ngayon. 4 days after nung huli kong weigh-in. Nagsukat ako kaninang umaga, tiningnan ko kung may pagbabago na. 52 kilos na lang ako! Tinignan ko sa BMI calculator kung overweight na ko, hindi na daw! 22 na ang BMI ko! Wooohoo! Hahahahahaha.
Wala lang. Ang saya ko lang. Syempre bilang babae, gusto ko din magsuot ng mga damit na uso. At chaka nakakasawa din pagsabihan ng,"Tumataba ka". Pero syempre ginagawa ko din to para sa sarili ko. Namatay daddy ko dahil sa hypertension. Yung mother side ko puro may sakit sa puso. Ang dami ko pang pangarap sa buhay, ayoko mamatay ng maaga.
Kaya ayun. Minsan nag-ke crave din ako. Lalo na sa coke. Langyang coke yan. Hahaha. Pero pag bibili na ko, tapos hihigop ako, parang merong nagsasalita sa isip ko na,"Kapag uubusin mo yan, sayang lahat ng paghihirap mo." tapos sisipsip lang ako ng isa tapos ibibigay ko na kay dikong.
Ayun. Sana mag-tuloy tuloy na. Sabi ko dati sa sarili ko kapag pumayat ako, yung sakto lang, magpapa-pixie cut ako ng buhok. Sana pumayat ako kasi gusto ko magpa-ganun! Hahahahaha.
Have a happy and productive summer everyone! Apirrrr!

No comments:
Post a Comment