11.26.2011

Saving June, definitely one of my favorite books of all time.

Storya pa lang, nakaka-relate na ko. The loss of a loved one. The characters. Laney, Harper. Shit. I love Harper. And Jake. Grabe, ma-iinlove ka talaga sa I'm-a-bad-and-sarcastic-punk-music-lover-guy character niya. Grabe. Tangina Tolan. I love you!
And syempre, the author. Can you believe that this is Hannah Harrington's first novel? Grabe. Kudos to you! Sobrang galing mong mag-sulat! (Kahit hindi mo nababasa `to, ok lang. Lol.) You really can relate to other people.
And the music. Putangina. If you know what real music is, read this book and you'll get to thinkin'. Mararamdaman mo talaga na may alam yung author tungkol sa musika. May pinag-huhugutan talaga.
Sa lahat ng mga taong nalulungkot dahil nawalan ng mahal sa buhay. At sa lahat ng taong mahilig sa musika. Para sa inyo `to. I'll rate it more than 5 stars in Goodreads if I can, pero hanggang 5 lang eh. The best! :-bd

11.25.2011

Naisip ko lang naman..

Do you believe in God? Ang daling sabihing "Oo", hano? Lalo na kapag madaming dumarating na blessings galing sa Kanya. Lalo na kapag masaya ka, lalo na kapag maraming bagay na grateful ka.
Eh paano kung nabaliktad si Kapalaran? Paano kung puro kamalasan? Paano kung puro trahediya ang nangyayari sa buhay mo? Masasabi mo ba agad-agad ang, "Oo"?
Hindi mo masasagot `yan, kung nababasa mo man ngayon `to. Kasi wala namang nangyayaring ka-sumpa-sumpa sa buhay mo. Maaari din na, oo... marami kang problema. Mababang grades, peer pressure, drug addiction, yosi, red horse, nawalan ka ng trabaho, tambay ka, nakakulong ka ngayon, o nasa ospital ang isa sa mahal mo sa buhay... Buti pa nga yun eh, alam mong makakasama mo pa siya. May chance ka pa.
Eh na-try mo na bang mawalan ng mahal sa buhay? Ng kaibigan, kasangga, kapatid, asawa, anak, magulang? Kung oo, maaaring masasagot mo ang tanong ko. Pero kung hindi pa, mabuti naman.
Ako oo, nawalan na ako ng magulang. Mag-iisang buwan na sa isang araw. Siguro, sa perspective o sa point of view niyo, madali lang mag-move on. Pero hindi eh. Tangina. Sobrang hirap.
Gusto mong alisin sa memorya mo yung huling alaala mo ng taong mahal mo kasi ang hirap tanggapin na yun pa yung last memory mo sa kanya. Yun pa yung fresh. Yun pa yung mas madaling alalahin. Yung pinaka-nakaka-lungkot. Tangina eh noh? Bakit hindi na lang yung masasaya. Yung mga nangyari noon. Bakit hindi na lang yun? Bakit kailangan yun pang pinaka-ayaw mong senaryo sa buhay mo ang maalala mo gabi-gabi?
Sabi ni Popoy ng One More Chance, kaya daw tayo iniiwan ng mahal natin, eh baka may darating na "mas" hihigit sa taong yon. Bullshit yon. Magpapakamatay na lang din ako kung may darating na "hihigit" sa Daddy ko. Sabi ng iba, kaya daw may nangyayaring "bad things" sa buhay natin, kasi may darating pang masasaya. Bullshit din yan. Sa tingin ba nila, kapag umakyat ka sa entablado kapag kukunin mo na ang diploma mo, masaya ka na wala ang tatay/nanay mo? Sa tingin mo ba kapag kinasal ka na wala ang tatay/nanay mo, eh masaya ka? Sa tingin mo ba kapag nagka-anak ka, hindi mo maaalala na sana nandito pa siya? Sa tingin mo ba sa bawat birthday at Pasko at Bagong Taon na darating, hindi mo hihilingin na sana nandito siya sa tabi niyo?
Masama na ko kung masama. Pero bakit hindi na lang ang mga taong puro masama ang ginagawa sa mundo ang kinuha Niya? Bakit hindi lang si Ampatuan? Bakit hindi na lang si Gloria? Putangina lang. Bakit si Daddy pa? Putangina.
Naniniwala ako sa Diyos. Oo naman, naniniwala ako. Nagpapasalamat pa din ako sa Kanya sa mga bagay na binigay Niya sa amin. I never stopped believing.
Pero sa mga oras na napu-punyeta ang buhay mo, minsan maguguluhan ka na lang talaga.

If given another chance.

Kung bibigyan akong mabuhay ulit sa ibang taon, dekada, at bibigyan ulit ng isang pagkakataon sa buhay, eto ang mga gusto kong maging:

  • Unang una! Gusto kong maging isang... music photojournalist sa Dekada `60, `70, `80 at `90 tulad ni Ms. NiƱa Sandejas. Gusto ko din maging katulad niya. Kumuha ng mga litrato ng mga paborito kong banda na patuloy na gumagawa ng mga kantang may sense. Gusto ko din magpunta sa mga gigs at concerts hawak ang isang kamera. Tangina. Isa `to sa mga imposibleng pangarap ko.
  • Gusto ko maging journalist/writer/broadcaster/director/producer (o in short: media person). Yung meron akong personal space na babasahin ng mga mambabasa. Gusto ko ding ilabas ang mga saloobin ko sa mga nangyayari sa mundo without being judged.
  • Isang author. Tangina. Kung hindi lang ako tamad magsulat (o sa lahat na nga ata ng bagay), eh baka nakakailang libro na kong naisusulat. Kaya lang that's life.
  • Mabuhay sa taong 1880's sa America, preferably in Texas. (don't ask me why) Pwede din sa taong 1920's or 30's or 40's. Basta before World War II.
  • Marami pa akong madaming gustong maging. Kaya lang eh Showtime na, kaya manunuod muna ako...

11.23.2011

Letting go.

I think letting go of my course this semester, which is B.S. Bio would be harder than I thought because of the people who keep praising me about it. Ugh. I'm just happy my Mom already knew of my plan and was... uh, very tactful about it.
My decision is done and I'm trying hard not to have regrets (although I really don't regret it). But when I think about it, it makes me sad because I'm expecting (which is silly of me) to see disappointment in their faces when the time comes.
But this is my life, and I have every right to do what I want, and Lord knows I'm doing this for my Mom. It'll be the three of us left (my Kuya's going back to Saudi Arabia) on December 14 and we need to be there for her.